The Immortal John Triptych

Three Pythonesque adventures made from Renaissance paintings and reckless ambition. Pilfer from pirates, conspire with cardinals, perform miracles and face the Four Last Things. Explore luscious landscapes and preposterous portraits in this gloriously silly, intelligent trilogy.

Tatlong Pythonesque adventure na binuo mula sa Renaissance paintings at ambisyon.

Ang The Immortal John Triptych ang ULTIMATE anthology ng mga laro ng Joe Richardson. Pinagsama-sama ang Four Last Things, The Procession to Calvary, at Death of the Reprobate sa ilalim ng sikat ng araw sa ngayon pa lamang makikita na deleted scenes na ito, na-update na language parity sa lahat ng title, at expanded soundtrack ni Eduardo Antonello na may mga bagong orihinal na recording, mga manual save para sa Four Last Things, mga backflip sa The Procession to Calvary, at isang button para mag-trigger ng labis-labis na trumpeted fanfare tuwing kailangan mong magdiwang. Yakapin ang nakakaloka, ang makabuluhan, at ang sweet soothing aesthetic ng Renaissance sa The Immortal John Triptych.

Namamatay na si Immortal John. Nauwi sa kaguluhan ang banal na digmaan. Maging ang kasalanan ay kailangan ng kabayaran. Tatlong magkakaugnay na kuwento sa mundong binuo mula sa Renaissance paintings at Classical music, kung saan magtatagpo ang kalokohan at mga bagay na makabuluhan.Tulungan ang mga lokal sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain, para lamang makakita ng Diyablo na nag-aabang sa dilim. Habulin ang isang malupit na pinuno sa mga kaharian habang tinutulungan mahihinang salamangkero at makipagkasundo sa Diyos na Makapangyarihan. Harapin ang kasalanan, kamatayan, paghuhukom, kalangitaan at impiyerno, na punong-puno ng mga kapilyuhan.Mula sa tahimik na kanayunan na mauuwi sa kabaliwan, hanggang sa banal na paghihiganti na puno ng baligho, hanggang sa cosmic philosophy na idinadaan sa kindat at siko, papatunayan ng The Immortal John Triptych na ang pinakamatilo mong magagawa ay yakapin ang purong kalokohan.

Listahan ng Feature

Mga Palaisipang Paglalakbay–Isang tradisyonal na narrative adventure game, na may modernisadong interface. Direktang kontrol, isang astig na 'verb coin' interaction menu, at simpleng drop-down inventory.
Renaissance Artwork – Renaissance, Rococo at maging bahid ng Romantisismo. Daan-daang mga painting na nagmula pa sa daan-daang siglo ang pinagsama-sama sa isang consistent na mundo.
Classical Music – Pinaghalong publicly available na mga classic at mga akda ng musician na si Eduardo Antonello ang babalot sa ere ng Triptychs. Ni-record gamit ang mga totoong medieval/renaissance na instrumento.
Standalone Story–Magtatampok ang Four Last Things, The Procession to Calvary, at Death of the Reprobate ng mga natatanging kuwento na may mga paulit-ulit na karakter/tema sa parehong mundo.
Highbrow na Kalokohan–Mga dakilang paksa na magiging tampulan ng kapilyuhan. Sineseryoso ang mga biro tungkol sa mga puwet. Ngunit huwag kang mag-alala, mas may sense ang mga palaisipan!
Fully Remastered – UI overhaul sa lahat, ngayon pa lamang makikitang mga deleted at bonus na eksena, mga QoL improvement, buong controller support, at kumakaway na braso sa ere na tila walang paki.
4 WIP na Time-Lapse Video -Panoorin ang mabusising proseso kung paano ginawang playable na mga eksena ang magagandang Renaissance classic na ito. Ibubunyag dito ang mga artistic na technique at creative genius sa likod ng laro.
• Ilang karagdagang bits at bobs

Kinakailangan sa System ng The Immortal John Triptych

Minimum

Inirerekomenda

OS version

Windows 10

OS version

Windows 11

CPU

2 GHz - Dual Core

CPU

2 GHz - Dual Core

Memory

2 GB RAM

Memory

4 GB RAM

GPU

NVIDIA GeForce GTX 550 Ti / Radeon HD 5770

GPU

NVIDIA GeForce GTX 960 / Radeon R9 380

DirectX

DirectX 10

DirectX

DirectX 11

Storage

2GB

Storage

2GB

Mga Wikang Sinusuportahan

  • Audio: N/A

  • Text: German, English, Portuguese, Chinese (Traditional), Japanese, French, Spanish (Spain)

* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento