Mga Simulation na Laro
Inaalok ng Epic Games Store ang ilan sa pinakamagagandang Simulation Game. Mag-download na at simulang maglaro ng masaya at nakakasabik na mga Simulation Game para sa PC.
FAQ sa mga Simulation Game
Ano ang mga PC simulation game?
Ang simulation game ay sumasaklaw sa malawak na genre at estilo, na may layuning tularan ang aspeto o maraming aspeto ng totoong mundo sa loob ng laro. May mahusay na kasaysayan ang platform na PC pagdating sa mga simulation game, nakatuon ang mga laro sa tamang panuntunan sa paglipad, malawakang aksyong militar, at pagtatayo ng lungsod na naging pangunahing bahagi mula pa noong dekada 1980.
Ang mga simulation game ay naglalayong tumpak na ilarawan ang kanilang paksa, na may kasamang detalyado at makatotohanang kontrol, pisika, tugon, at mga sitwasyon. Kasama sa mga unang halimbawa nito sa PC ang mga flight simulator. Pinapayagan nila ang player na pamahalaan ang eroplano mula sa cockpit, ipinapakita ang mga babasahin at kontrol na parang nasa totoong sasakyan. Kailangang isaalang-alang ng mga player ang bilis ng hangin, altitud, mga direksyon, kapasidad ng gasolina, at iba pa, at balansehin ang lahat ng ito para matiyak ang ligtas at wastong paglipad. Sa kasalukuyan, ang mga flight sim ay maaaring maging labis na komplikado. Hindi lang ang eroplano o mga eroplano ang ginawang napakadetalyado, kundi mahalaga rin pati ang mundo at kung paano ito nakaaapekto sa paglipad. Sa tamang lagay ng panahon sa totoong mundo at totoong air traffic sa mundo ng laro, may mga player na nagtatayo ng sarili nilang cockpit at ginagamit ang mga makabagong sim bilang pagsasanay para sa totoong paglipad. Karaniwang dinisenyo ang mga flight sim para hayaan ang player na gumawa ng sariling layunin, bagama’t may ilan ding nag-aalok ng mga misyong tulad ng gawain ng isang tunay na piloto, gaya ng pampasaherong paglipad sa iba’t ibang kontinente. Oo, maaaring magpalipad ang mga potensyal na piloto ng pampasaherong eroplano mula Sydney papuntang New York hanggang Los Angeles sa totoong oras.
Mas malapit sa lupa, ang mga driving at racing game ay isa pang mahalagang bahagi ng simulation genre na nananatiling popular hanggang ngayon. Tulad ng mga eroplano, ang mga sasakyan ay may iba’t ibang mahirap na sistema na nakikipag-ugnayan sa tunay na mundo, at ilang dekada nang nagsisikap ang mga larong gayahin ang mga ito nang may mataas na katumpakan. Karaniwan itong ipinapakita sa anyo ng karera, kung saan ang mga car simulation ay kadalasang may parehong antas ng kontrol gaya ng totoong sasakyan. Dapat tugma ang manibela, silinyador, preno, kambyo, at iba pa. Dagdag pa rito, may mga detalye tulad ng mismong pagkakaayos ng makina (kasama ang paggalaw ng gasolina sa loob ng tangke), daloy ng hangin sa ibabaw ng sasakyan, at goma mula sa gulong na naiiwan sa daanan … at marami pang iba.
Pero ang mga simulation ay maaari ding magkaroon ng mas malawak na saklaw. Maliban kung sila ay nakatuon sa tiyak na aspeto (tulad ng mga eroplano o tangke), ang mga military sim ay hindi naglalayong magbigay ng eksaktong pagkakatugma sa lahat ng aspeto ng digmaan. Sa halip, sinusubukan ng mga itong gawing makatotohanan ang mga labanan, galaw, at taktika. Hindi ibig sabihin nito’y hindi na sila magiging detelyado. Karamihan sa mga mil sim ay tinitiyak na tama ang representasyon ng pisika ng mga bala at isinasaalang-alang ang taktikal na pakikipaglaban batay sa kakayahan at kagamitan ng bawat sundalo, ang estruktura ng mapa, at kung paano talaga kikilos ang mga tunay na sundalo sa tensyonadong mga sitwasyon. Karaniwang bahagi ng military simulator ang pagkakatugma sa simulation ng mga sasakyang pangmilitar, pero hindi ito kasing-detalyado ng makikita sa mga driving o racing simulator.
Sikat din ang mga city building sim at nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga nais maging urban planner na magsanay ng kanilang kakayahan nang hindi nag-aalala tungkol sa mga kaguluhan. Ang lungsod ay maaaring magkaroon ng maraming salik, kung saan pinahihintulutan ng karamihan ng mga city sim ang player na planuhin ang imprastruktura mula sa mga kalsada at lansangan hanggang sa suplay ng kuryente at sistema ng imburnal. Bagama’t medyo abstrakto ang lahat ng ito, nagbibigay pa rin ito ng malinaw na ideya kung paano gumagana ang mga bagay-bagay; tulad ng pagharap sa pagkasira ng kapaligiran na dulot ng tao at industriya, pagbabalanse ng kasiyahan at pag-unlad laban sa katatagan at paglago ng ekonomiya. Lahat ng ito ay karaniwang ipinapakita sa player. Ang sabay-sabay na pagpapatakbo ng maraming simulation ay nangangailangan ng malaking kasanayan sa pagbabalanse, na siyang pangunahing layunin ng mga city-building simulator: ang balansehin ang lahat ng sistema at makalikha ng maayos na lungsod na kapaki-pakinabang para sa lahat. Ito ay talagang kasangkot.
Ang sikat na simulation game kamakailan ay ang pag-simulate ng mga trabaho at libangan. May mga laro ngayon kung saan maaaring bumuo ang player ng negosyo sa pagsasaka, kung saan kailangang pangasiwaan ang mga pananim, panahon, mga kagamitan, supply chain, at marami pang iba. O kaya nama’y puwedeng magpatakbo ng negosyo sa pagkukumpuni ng kotse at mag-ayos ng mga makina. Maging driver ng trak, football manager, o tagalinis ng sahig.
Bakit napakapopular ng mga simulation game?
Ang immersion ay malaking bahaging kinagigiliwan sa mga simulation. Nagbibigay aliw sa maraming player ang makatotohanang reaksyon sa laro. Para sa ilang tao, nakakapawi ng pagod ang pagmamaneho ng maayos ang disenyo at may katumpakang trak. Ang kakayahang magtagumpay sa ganitong sitwasyon, halimbawa, ang paghahatid ng mga kalakal mula sa malaking lungsod patungo sa isa pa, ay nagbibigay sa kanila ng kasiyahan sa trabahong mahusay na nagampanan, dahil nakabatay ang mga sim sa tunay na mundo.
Ano ang life simulation game?
Nakatuon ang mga life simulation game sa mga tao bilang bahagi ng simulation. Gagawa ang mga player ng mga karakter na may sariling buhay sa loob ng mundo ng laro. Itatakda ng mga player ang mga katangian, ugali, itsura, mga layunin, at iba pa ng kanilang karakter, at magtatayo ng bahay o komunidad na tirahan nito. Bagamat may kontrol ang player sa virtual na tao, kikilos pa rin ang mga karakter batay sa mga personalidad nito na maaaring hindi ganap na kontrolado ng player. May mga pagkakataong ang simpleng layuning nais mong makamit ay magiging imposible kapag ang karakter na matigas ang ulo ay biglang nagpasyang gumawa ng ibang bagay. Iyan ang isa sa mga kasiyahang dulot ng mga life simulation game.
Sa paglalaro bilang kombinasyon ng diyos at arkitekto, susubukan ng mga player na impluwensyahan ang virtual na mga karakter para makamit ang kanilang layunin habang dinidisenyo at muling dinidisenyo ang bahay na kanilang tinitirhan. Kadalasan, ang disenyo ng bahay ang pinakainteraktibong bahagi ng laro, kung saan ang bawat aspeto ng nakikitang disenyo ay ipinauubaya sa player, na kailangang lumikha ng espasyong makapagbibigay-inspirasyon at kasiyahan sa mga karakter sa kanilang virtual na soap opera.
Karaniwan, bukas at nagbabago ang mga layunin habang umuusad ang laro. Maaaring mangarap ang virtual na karakter na maging pintor, pero kalauna’y umibig at iwan ang layuning iyon para maging magulang. Malamang kailangang gawing kuwarto ng bata ang dating art studio. Ganyan talaga ang buhay.
Edukasyonal ba ang mga simulation game?
Depende sa uri ng sim, maaari itong maging lubos na edukasyonal. Maraming piloto ang nagsasanay gamit ang makabagong flight simulator bilang dagdag sa kanilang aktwal na pagsasanay, para masanay sa cockpit at sa pagmamaniobra.
Maaari ba akong maglaro ng mga simulation game kasama ang mga kaibigan ko?
Oo. Maraming sim game ang maaaring laruin nang sabay-sabay o online sa iba’t ibang sitwasyon. Maaaring lumipad ang mga player nang sabay, magkarera, at kahit magsaka nang magkakasama.
Maaari ba akong maglaro ng simulation game nang offline?
Oo, halos lahat ng simulation game ay maaaring laruin offline.

































