Balita

Ipinaliwanag ng Borderlands ang genre na looter-shooter. Ipinagpapatuloy ng Borderlands 4 ang legacy nito.

N
Nicole Carpenter
Ago 12, 2025

Hindi aksidente na nagsimula ang Borderlands sa kuwento tungkol sa mga naghahanap ng kayamanan. Ang paghahanap ng kayamanan ay sentro sa parehong kuwento at panuntunan ng laro ng Gearbox Software noong 2009. Itinatakda ito ng developer mula pa sa unang mga salita—ang larong ito ay tungkol sa mga loot. Kahit bago pa ilabas ang Borderlands, sa dami ng mga bagay na puwedeng pagpilian, lalo na sa mga baril, ito na agad ang gustong iparating ng Gearbox Software: “May 87 bazillion na baril ang Borderlands!” 

Maaaring hindi Borderlands ang pinakaunang looter-shooter (may nagsasabing nagsimula ito sa Hellgate: London noong 2007, na pinagsama ang shooter at loot-driven na gameplay ng Diablo), pero ito ang larong nagbibigay-kahulugan sa genre na iyon. Hindi kumpleto ang mga usapan tungkol sa mga looter-shooter nang hindi nababanggit ang Borderlands

At sa kabaligtaran, mahirap pag-usapan ang Borderlands nang hindi tinatalakay ang genre. Sabi ng CEO ng Gearbox Software na si Randy Pitchford, ang genre—lalo na ang genre na halos wala pa noon ang naging sentro sa pagbuo ng Borderlands. “Ang pangunahing ideya ko sa Borderlands ay ganito, ‘Pagsamahin natin ang nananamnam na saya sa bawat sandali sa isang shooter at ang pangmatagalang kaligayahang nakukuha natin sa paglago at pag-unlad sa mga role-playing game,” ayon kay Pitchford. “Iyon ang simula. Karaniwang nagsisimula ang mga konsepto sa kuwento, estilo, o disenyo. Nagsimula ang Borderlands sa disenyo, saka na lang sumunod ang kuwento at estilo.”
Fil Clickable BANNER BRANDED 1920x250 LOC
Mahigit isang dekada at kalahati na ang lumipas mula nang lumabas ang orihinal na Borderlands, at mula noo’y marami nang nilabas na iba’t ibang laro ang Gearbox Software, kabilang ang mga sequel, spinoff, at laro sa mobile. Ang looter-shooter ay isa nang totoong genre ngayon, na lalo pang pinasikat ng Borderlands 2 ng Gearbox Software noong 2012, Destiny ng Bungie noong 2014, at The Division ng Ubisoft noong 2016. 

Ngayon, naghahanda na ang Gearbox Software para sa paglabas ng Borderlands 4 sa Setyembre 12—isang larong sinabi ni Pitchford na magiging “isang napakalaking bahagi ng buhay [niya].”

May pamilyar pa ring hitsura ang Borderlands 4, pero mangyayari sa bagong planetang tinatawag na Kairos—isang planetang pinamumunuan ng isang diktador, na nasa bingit ng rebolusyong magpapalaya rito mula sa kamay ng malupit na Timekeeper. Isa rin itong planeta na halos hindi pa nagagalaw ng mundo ng Borderlands

Sinasadya ng Gearbox Software na gawing mas seryoso ang tono ng Borderlands 4, gusto nilang magpakita ng istoryang kayang tumapat sa kaguluhan ng mundo nito. “Ang kuwento ng Borderlands 4 ay tungkol sa balanse ng batas at kalayaan,” sabi ni Lin Joyce, Managing Director ng Narrative Properties ng Gearbox Entertainment. “Itong dalawang bagay ang pinaglalaban namin sa simula ng kuwento.” 

May apat na bagong karakter na puwedeng pagpilian: Vex the Siren, Rafa the Exo-Soldier, Harlow the Gravitar, at Amon the Forgeknight. Bagama’t bago sila sa serye, malinaw din silang Borderlands. Makikita mo ito sa kuwento at disenyo nila, at siyempre, sa katotohanang sila ay mga Vault Hunters—mga mersenaryo na pursigidong lumaban.., at siyempre, magnakaw.

“Hindi mo dapat kalimutan kung saan ka nagsimula,” sabi ni Anthony Nicholson, Senior Project Producer ng Gearbox Software. “Ano ba talaga ang dahilan kung bakit minahal ng mga player ang Borderlands sa simula pa lang? May pag-uugnay ito. Alam naming patuloy na uunlad ang dynamism sa ganitong uri ng gear at loot na sistema, pero ang pinakasentro nito ay ang dynamism na mayroon kami sa unang laro.” At ang ganoong dynamism ang talagang tunay na sentro ng buong looter-shooter na genre.
Borderlands 4 2

Pagpapaliwanag sa looter-shooter


Para maintindihan ang Borderlands bilang isang serye—at pati na rin ang Borderlands 4—kailangan muna nating ipaliwanag ang kahulugan ng genre na looter-shooter. Ayon kay Marshall Needleman Armintor, isang principal lecturer mula sa University of North Texas at may-akda ng Capitalist Surrealism: Grind, Loot Boxes, and the Work of The Looter Shooter na inilathala sa Acta Ludologica noong 2024, sa isang interbyu, ang looter-shooter ay kadalasang isang role-playing game na may science fiction na tema na nakatuon sa “pagkuha, pagpapalit, at kalabisan sa armas (kadalasan ay baril, baril, baril), armor, at bala mula sa mga kahon ng loot.”

“Mahalaga sa mga looter-shooter ang ilang elementong hiniram mula sa mga roguelike at roguelite, gaya ng pamamaraan nila sa loot at dami ng mga kalaban, kaya nananatiling bago ang bawat laro,” sabi ni Armintor. “Karaniwang ang kalidad ng loot na nakukuha mo ay gumaganda kalaunan, depende sa antas ng karakter. Ang loot mismo ang pinakadahilan sa paglalaro, at maaari nitong palitan ang mga kuwento. Ang pinakamahalaga sa lahat, nakakapag-ipon ang player ng mga loot habang lumalakas sila at pinaninindigan ang kanilang mga karakter.”

Ang looter-shooter ay kumukuha ng maraming iba't ibang detalye mula sa iba pang genre, kabilang ang mga straight roleplaying game, dungeon crawler, at (siyempre) shooter, na nagpapahirap sa paglikha ng "mahirap at mabilis na hangganan," aniya. “Pero para sa akin, kung ang tawag sa laro ng karamihan sa mga player ay looter-shooter, eh di ganoon na nga iyon.”

Sa katunayan, bukas si Randy Pitchford sa mga larong nakaimpluwensiya sa orihinal na Borderlands. “Bago ko pa nalaro ang Wolfenstein 3D, puro role-playing na laro lang talaga ako,” sabi niya, “parehong sa mga larong nilalaro ko, at sa mga larong ginagawa ko. Nang lumabas ang Wolfenstein, talagang may nabago ito. Doon ko nahanap ang pagkasabik at saya sa mga action game.” 

Isa pa sa nabanggit ni Pitchford ay ang Diablo dahil sa pangkalahatang paglaro nito, ang ambisyong umangat gamit ang mga loot na walang tigil ang bagsak. “Ang dalawang genre na ito ay hindi maaaring maging mas magkalayo pa,” sabi ni Pitchford. “Ang kasanayan na kailangan para maglaro ng Diablo ay pareho lang ng kasanayan na kailangan para ilunsad ang application.” Sa paghahambing, ang mga action game ay kadalasang nangangailangan ng pisikal na kasanayan, gaya ng tamang pagpuntirya at mga galaw—pero napansin niyang hindi naman salungat ang mga ito sa sentro ng Diablo

“Ang ginawa namin [sa Borderlands] ay tumutok talaga kami sa mga aspeto ng shooter, sa gameplay ng shooter, at nanatili ang kasiyahan sa bawat sandali ng paglalaro. Gumagana ang lahat ng mahusay na paglalaro,” sabi ni Pitchford. “Samantala, ang lahat ng pangmatagalang paglalaro, ang ambisyon ng pag-unlad, at ang pakiramdam ng pag-unlad ay dapat ding gumana.”
Borderlands 4 Digirunner
At ang tono. Kilala ang Borderlands sa tuso, sarcastic, at minsa’y isip-batang uri ng katatawanan nito. Makikita mo rin ang pagiging magaan sa disenyo ng laro—mga makukulay at kakaibang estilo—na talagang iba sa mga mas makatotohanan at seryosong pangmilitar na shooter na laro. Ayon kina Nicholson at Gearbox Software Art Director Adam May, may napakaraming antas ng “kalokohan” ang Borderlands.

“Ano bang inaasahan ng player ng Borderlands sa ganitong sitwasyon?” tanong ni Nicholson, na nagbibigay ng halimbawa. “Sa ibang laro, aakyat ka lang ng elevator at pipindutin mo ang button—pero sa Borderlands na laro, maaari kang pumatay ng lalaki para sirain ang iba pang bagay na nagpapagalaw sa elevator.”

Ang mga kasunod na laro sa seryeng binuo mula sa Borderlands. Hango din dito ang iba pang laro, kaya nabuo ang isang bagong genre. 

“Ang wasak na planeta ng Pandora, na nawasak ng mga pinsala sa pagkuha, ay nakikita sa katulad na sirang mga tanawin ng mga serye ng Destiny at Risk of Rain,” sabi ni Armintor. “Ang live service na aspeto, maraming DLC para sa bawat laro, at nakakatulong ang mga pamigay ng Golden Key sa pagbuo ng pakiramdam ng pagiging bahagi ng komunidad, at ginagawa rin iyon ng Destiny. Sa tingin ko, tungkol din sa nostalgia ang Borderlands dahil kinukuha nito ang mga bagay na matagal nang parte ng mga lumang RPG at muling inaalok para sa bagong audience.”
Borderlands 4 Moxxi
 

Pagpupugay sa looter-shooter sa Borderlands 4


Sa looter-shooter, kailangan ang kalabisan—at lalo pa itong pinalala ng Gearbox Software sa Borderlands 4. Ayon kay Armintor, dapat maranasan ng player ng looter-shooter na “parang nasa loob sila ng sobrang likot na pinball machine.”

“Napakaraming nakakalitong nangyayari, at maraming kalaban ang lumalapit sa player habang lumilipad-lipad ang mga numero sa screen, na nagbibilang ng mga pinsalang natamo,” sabi ni Armintor. “Dahil sa mga tambak ng bala na magagamit, kailangan mo talagang gamitin lahat. Mabilis dapat magdesisyon ang mga player, madalas kutob lang, batay sa dami ng pinsalang natatanggap. Kasabay nito, nakakalito rin ang paghalungkat sa loot, ang mabilisang desisyon kung itatago ba o ibebenta ng player ang isang kagamitan.”

At lahat ng iyan, siyempre, ay nasa sentro pa rin ng Borderlands 4 kahit gusto ng Gearbox Software na magbigay ng bago sa mga player. Pinagaganda at inaayos ng Gearbox Software ang ilang sistema sa Borderlands 4 para mas marami ang maibigay: mas maraming loot, mas maraming baril, mas maraming pagpipilian.

 “Ang pinakamalaking pangako namin sa Borderlands 4 ay ibigay sa mga player ang gusto nila,” sabi ni Pitchford.

Kasama na rito ang pagbitaw sa takot na baka hindi lohikal ang mga desisyon sa gameplay—na alisin ang kagustuhang magkaroon ng kahulugan ang maliliit na detalye ng laro. “Sabi na lang namin, ‘F— it. Puwede ka nang mag-double jump.’” sabi ni Pitchford. “Wala nang paliwanag kung paano iyon gumagana. Literal na nasa ere ka, tapos pipindutin mo lang ulit ang talon na button, at makakatalon ka ulit. Masarap ba sa pakiramdam? Masaya ba? At wala akong p— kung may sense ba.”

At hindi lang ito pag-double jump, ayon kay Pitchford. Ang paggalaw sa Borderlands 4 ay mas higit. “May mga nakakatuwang galaw kaming tulad ng pagkaripas at pagdausos at paggamit ng grappling hook, hindi lang para hilahin ang mga gamit at ihagis ang mga ito sa kalaban—na nakakapagpabagal sa kalaban—kundi para din tumalon-talon sa paligid.”

Sabi ni Nicholson, ang sistema ng loot sa Borderlands 4 ay sentro pa rin ng genre, pero may pagkakaibang sapat para maramdamang bago ito. Ibinahagi niya ang bagong uri ng loot sa Borderlands 4—ang Rep Kit, na healing na kagamitan. Mabilis na paraan ito para makabalik ang health mo at makadagdag ng bonus sa karakter mo. Para kay Nicholson, binibigyan nito ang player ng mas higit na kapangyarihan at kontrol, para hindi na kailanganin ng mga player na umasa sa paghahanap ng health. 

“Pero dahil Borderlands ito, dinagdagan pa namin ito ng mga buff, tulad ng bawas sa pinsala o mga fire rate, o mas maikling mga cooldown,” dagdag pa ni Nicholson. “Talagang nilalaro nito ang estilo mo bilang player. Kung nakatuon ka sa kakayanan sa aksyon at gusto mong mas madalas itong magamit, malamang gugustuhin mo ang Rep Kit na nagpapababa ng cooldown o nagpapataas ng pinsala ng atake mo.”

Ang pangalawang bagay na binanggit ni Nicholson ay ang Ordinance—mga bagong slot ng armas na nakalaan para sa mga granada at bigating armas. Walang kaugnayan dito ang bala. “Charge-based o cooldown-based ito,” sabi niya. “Gusto mo bang pumasok na may dalang mga homing transfusion na granada, o gusto mo lang ratratin ang kalaban gamit ang isang uri ng homing rocket?” tanong niya. “Hinahayaan nito ang player na mamili ng gusto niya, at hindi na nangangailangan ng slot ng armas ang mga mabibigat na armas, kaya malalaro mo ito nang ganyan at makakapagdala ka pa ng mas maraming baril.”
Borderlands 4 1
 

Gumagawa ng mga bazillion na baril


Sabi ni Art Director Adam May ng Borderlands 4 na may lampas 30 bilyong baril sa bagong laro. Tatlumpung bilyon

At sa bilis ng player sa paghanap, paggamit at pagtapon ng armas, dapat lang na sobrang dami nito. “Sobrang daming gamit na puwedeng makuha, pero dahil laging mas pinapaganda, tinatapon o binebenta ang mga armas, wala talagang nagtatagal maliban na lang kung bihira ito,” ayon kay Armintor habang nagkukuwento tungkol sa loop ng sentro ng loot sa looter-shooter. “Kahit ang mga purple na kagamitan ay nabebenta. Totoo sa Borderlands na ‘Ang lahat ng matigas ay natutunaw sa hangin’.”

Pero kahit na, 30 bilyon—mahirap isiping numero iyon. Ang dahilan kaya posible ang numerong iyan ay dahil sa procedural generation. May iba’t ibang bahagi, may mga katawan at mga attachment na pinagkakabit-kabit at pinagpapalit para makabuo ng mga bago at random na kombinasyon sa tuwing magbubukas ang player ng kahon ng loot. 

Sa Borderlands 4, may iba’t ibang manufacturer ng mga armas: Daedalus, Jakobs, Order, Ripper, Vlador, Torgue, Maliwan, at Tediore, at lahat ay may kanya-kanyang espesyalidad sa mundo. Tapos may iba’t ibang uri din ng baril, gaya ng mga pistol, assault rifle, shotgun, sniper, o SMG. Bawat manufacturer at uri ng baril ay puwedeng may iba’t ibang attachment o firing mode. Walang katapusang kombinasyon ang puwedeng mabuo.

Sabi ni May, nagsisimula ang Gearbox Software sa pagiging kakaiba ng bawat manufacturer nito. “Alam na ng mga player ang klase ng baril na makukuha nila base sa manufacturer at may ideya na sila kung paano ito gagana,” paliwanag niya. Pabalik-balik ito sa team ng disenyo at team ng art, para masigurong gumagana ang mga bagay na akma sa hitsura nito. Kung gusto mo ng sandatang mabilis talaga ang pagputok, pumili ka ng mas makinis, mas matalim ang mga anggulo, at mas agresibo ang hitsura. Kung baril naman para sa malalaking rocket, gugustuhin mo ang mas malaki, mas bilugan, at mas bulky.”

Pagkatapos, hiniwalay ng team ang mga bahagi nito at pinaghalo. Ayon kay May, mahalagang maaga pa lang ay alam na ng team kung saan ang mga punto ng koneksyon ng bawat bahagi ng baril, para walang limitasyon ang paghahalong puwedeng gawin. Mas mahirap pa raw ito para sa Borderlands 4, dahil ito ang unang beses na nagkaroon ng cross-pollination ang mga bahagi ng manufacturer. “Puwede kang magkaroon ng Daedalus na underbarrel sa Maliwan na shotgun, at magkakaroon ka na ng parehong Daedalus at Maliwan na hitsura ng armas.”
Borderlands 4 Rippers
Sabi ni Nicholson, gumawa si Jimmy Barnett, Principal Artist at Art Director, ng “pader ng mga baril” sa Unreal Engine—parang stockroom na kagaya ng nasa The Matrix

“Isa itong napakalaking mapa ng baril kung saan makikita mo ang lahat ng indibidwal na bahagi ng bawat klase ng baril mula sa mga manufacturer,” ayon kay Nicholson. Ginawa ito para makita mo ang bawat isa sa mga iyon at kung paano namin pinagsama ang mga kombinasyong iyon at kung paano sila gumagana—kung paano nagkakaugnay ang mga slide, animator, aksyon, at sining. Dahil kung ang isang baril ay gumagana sa isang partikular na paraan pero may mahaba itong bariles sa ilalim, malinaw na hindi puwedeng pagsamahin ang mga bahaging iyon.”

Malaki rin ang papel ng narrative team sa mga armas ng Borderlands. Ang mga pangalan ng armas at ang malikhaing teksto ang maliliit na detalyeng humihila sa mga player papasok sa mundo. 

Mas importante pa ito para sa seryeng tulad ng Borderlands dahil sa paggigiit sa mas marami pang armas. Ang mga laro sa Borderlands ay karaniwang may salaysay na sumusuporta rin sa loop na iyon. “Ang mga konsumer—maski pati branding ng iba’t ibang manufacturer ng mga armas sa loob ng laro, na may epekto rin sa gameplay—ay pinagtutuunan,” sabi ni Armintor.

Ikinuwento ni Joyce ng Gearbox kung paano binubuo ang mga manufacturer at korporasyon sa Borderlands 4 at kung paano ito nakaapekto sa mga armas. “Kapag gumagawa kami ng korporasyon, pinagpapasyahan namin kung ano ang mga pangunahing prinsipyo nila, at iyong mga prinsipyong iyon ang ginagamit bilang tema sa mga armas,” sabi niya. “Paraan ito para mapalalim o mabigyan ng personalidad ang mga korporasyon sa magaang paraan. Halimbawa, nararamdaman ng mga tao ang personalidad ng Jakobs kahit hindi pa nila nakikilala ang CEO nito.”
Borderlands 4 3
 

Pagkukuwento sa istorya ng Borderlands 4


Nagsimula ang Borderlands 4 noong 2018 o 2019 kung saan nagtanim si Pitchford ng ilang "thematic stakes" sa lupa. “Ano ba ang gusto nating gawin?” tanong niya. ‘Ano ba ang gusto nating sabihin? Ano ba ang nararamdaman natin? Ano ang kalagayan ng mundo sa paligid natin ngayon?”

Iniisip niya ang tungkol sa legacy ng Gearbox Software, ang kasaysayan nito—kung paano ito lumago mula sa independiyenteng studio hanggang sa nakuha ito ng Embracer Group, at kalauna’y naibenta sa Take-Two Interactive. “Ginawa namin ang deal kasama ang Embracer Group at naging bahagi kami ng pampublikong traded na kompanya,” sabi niya. 

“May kultural at emosyonal na pagbabago sa akin, sa personal, at sa studio. Ano ba ang ibig sabihin ng ipagpalit ang kaunting awtonomiya para sa organisasyon?," tuloy niya: “Ano ba ang pakiramdam ng gumalaw paakyat at pababa sa pagitan ng awtonomiya at pagiging organisado o kontrolado? Sa isang dulo ng spectrum ay may anarkiya, at sa kabilang dulo ng spectrum ay may pasismo, totalitarianismo, at walang kalayaan. Hindi lang ito tungkol sa mga lipunan—tungkol din ito sa atin bilang mga indibidwal, para isipin kung saan ang gusto natin sa spectrum at kung gaano tayo kakomportable. At dumaan kami sa prosesong iyon bilang isang kompanya.”

Doon nakuha ng Borderlands 4 ang mga tema nito, na ayon kay Joyce, ay kaguluhan at kaayusan. “Dumating ka sa mundong ito na pinamumunuan ng diktador na pinaniniwalaan mong naniniwala sa purong kaayusan,” sabi niya.  “Pero ano ba talaga ang hitsura nito, lalo na sa mga taong may malayang pagpapasya? At sa isang mundo ng entropiya, paano mo itinataguyod iyon sa paglipas ng mga siglo? Ano ang tamang balanse ng kaayusan at kalayaang magpasya? Ang sobrang kalayaan, na walang batas at kaayusan, ay maaaring maging kasing delikado rin.”
Borderlands 4 Timekeeper
Ang Timekeeper ay isang malupit at diktador na pinuno na pinipilit ang kanyang pamumuno sa mga tao ng Kairos sa pamamagitan ng pagtatanim sa kanila ng mga mapanganib at pangkontrol na aparato. Pero ang tunay na simula ng kuwento ng Borderlands 4, ayon kay Nicholson, ay nang ang buwan ng Elpis ng Pandora ay nag-teleport sa orbit ng Kairos. Doon nagsimulang pumasok ang elemento ng kaguluhan sa pamumuno ng Timekeeper, at napansin agad ng player ang epekto nito, ang “pagkawasak at kaguluhan”.

Sa kuwento, ilang laro na ang lumipas sa serye, pero ayon sa Gearbox Software, ang Borderlands 4 ay madaling intindihin kahit ng mga player na hindi pamilyar sa mga naunang bahagi. “Ito ang perpektong punto para magsimula ang mga bagong player,” sabi ni Joyce. “Bagong planeta ito. Hindi nito pinapalagay na nalaro mo ang mga naunang laro.” May mga detalye sa laro na kumokonekta sa mga naunang kuwento, pero hindi mo kailangang alamin ang mga iyon para maintindihan ang nangyayari.

Sa kabila nito, mukhang perpekto ang setting at kuwento nito para ipakita ulit ang tema ng looter-shooter na genre—napakaraming baril at napakaraming rason para gamitin ang mga ito.
Fil Clickable BANNER BRANDED 1920x250 LOC
Ang mga looter shooter ay tungkol sa pagkonsumo, ang tuloy-tuloy na pag-ikot ng mga bago at magagandang gamit na lalaruin. Ang ganitong uri ng kuwento, ang paglalakbay ng isang grupo ng mga walang labang karakter na nagpapatumba sa isang mapaniil na rehimen, ay isang purong pantasya ng kapangyarihan. Ito ang dahilan kung bakit ang Borderlands ay isa sa pinakakilalang laro sa genre na tinulungan nilang buuin. Ang kuwento nito ay sumasalamin sa mga pangunahing tema—o kahit papaano, dati nitong tema.

“Ang paghahanap ng Vault, natural lang, ay lumalabas sa dulo ng [Borderlands], na isa palang malaking MacGuffin—muling isinara ang Vault at mukhang hindi na ulit mabubuksan sa loob ng daan-daang taon,” sabi ni Armintor. “Ang Borderlands 2 ay nagtapos din sa halos parehong paraan. Matapos matalo si The Warrior at si Handsome Jack (na wala ring naganap na pagbubukas ng Vault, pero may mapa ng mga Vault sa ibang planeta) ay naghahatid sa mga player na ulitin ang laro, nang may mas magandang kinuhang loot. Ang huling ‘pangunahing’ entry sa ngayon [Borderlands 3] ay nagtapos din sa pagpigil sa pagbubukas ng Vault, dahil kapag nabuksan ito, posibleng masira ang Pandora, o ang natitirang bahagi ng uniberso bilang bunga nito.”

Malinaw na gusto ng Gearbox Software na ibalik ang ganitong klaseng motibasyon at misteryo sa Borderlands 4.

Bumili ng Borderlands 4 sa Epic Games Store bago ang Setyembre 12, 2026 at tanggapin ang Mad Moxxi Bundle sa Fortnite! Mag-e-expire ang alok sa 11:59AM GMT+8 sa Setyembre 13, 2026. Para sa buong detalye, basahin ang FAQ.

FIL EGSxBL4 Breaker Asset