Balita

Boo! Ito ang gabay ng mga mamimili sa Sale sa Halloween sa Epic Games Store!

E
Epic Games
Okt 20, 2025

Maligayang Pagdatinggggg! Binuksan muli ni Discount Dracula ang kanyang sinumpang crypt ng mga ghoul at laro sa kaibuturan ng puso ng Tran-sale-vania. Mga halimaw at sale, demonyong deal, at murang kilabot na nag-aabang sa kailaliman ng... Sale sa Halloween sa Epic Games Store
 

Ano ang Sale sa Halloween ng Epic Games Store?


Ang aming pagbebenta ng laro sa Halloween ay isang pagdiriwang ng mga nakakatakot na laro, mga kamangha-manghang AAA(AAAARGGH!) laro, at higit pa. Makatipid nang hanggang 80% sa panahon ng Sale sa Halloween sa Epic Games Store! 
 

Kailan ang Sale sa Halloween sa Epic Games Store?


Magsisimula ang pagbebenta ng laro sa Halloween mula Oktubre 20 nang 11 PM PHT hanggang Nobyembre 4 nang 12 AM PHT. 
Gabay ng Mga Mamimili sa Halloween Epic Games Sale Gtav
 

Ano ang naka-sale sa panahon ng Sale sa Halloween sa Epic Games Store?


Makakahanap ka ng magagandang deal sa dami ng nangungunang laro, kabilang ang… 

Grand Theft Auto V Enhanced

Ang pinakamakinang na bersyon ng kamangha-manghang sim ng Rockstar, inupdate ng Grand Theft Auto V Enhanced ang Los Santos gamit ang magandang ray-tracing at higit pa, pero sa ilalim nito ay ang parehong klasikong laro. Magdulot ng kaguluhan, makinig sa ilang magagandang musika, at tuklasin ang patuloy na lumalawak na online mode

Alan Wake 2

Nakakatakot na laro ba ito? Rock opera ba ito? Meta-textual na komentaryo ba ito sa kalikasan ng pagkamalikhain? Oo. Alan Wake 2 ang lahat ng iyon minsan, pero sa pinakapuso nito, isa itong napakagandang horror game na nagaganap sa baluktot na isip ni Alan Wake at sa baluktot ding totoong mundong pilit niyang binabalikan. 

Red Dead Redemption 2

Ang Red Dead Redemption 2 ay tungkol sa isang cowboy at sa kanyang gang na hinaharap ang wakas ng Wild West, at nangyayari ito sa pinakadetalyadong mundo ng laro sa lahat. Oo, may mga barilan at duwelo, baril at kabayo, pero may napakaganda ring mundong puwedeng tuklasin. Kunin mo ito, at maglakbay sa kagubatan para mapanood ang nakakabilib na panghuhuli at paglalaro sa parang buhay na mga hayop. Ay, at bantayan ang mga serial killer.

Cyberpunk 2077

Kahit ngayong taong 2025, may ilang larong maaaring maabot ang laki ng Cyberpunk 2077. Kamangha-manghang lugar ang Night City. Sa paggalugad dito, makakatagpo ka ng mga barilan, magagandang tanawin, nagsasalitang baril, at may damdaming vending machine. Ang mahabang development at patuloy na pag-update ay naging isa sa mga pinakakahanga-hangang RPG sa lahat ng panahon. 

Farming Simulator 25

Isang seryeng sobrang detalyado kaya may mga taong kumikita sa pagro-roleplay bilang mga magsasaka, sa Farming Simulator 25 mararanasan mo ang buhay sa bukid—mag-araro ng mga bukid, mag-alaga ng mga hayop, magbenta ng mga ani, at bumili ng samu’t saring totoong kagamitan sa pagsasaka. Makukuha mo ang lahat ng ito, at hindi na kailangang gumising bago magmadaling araw. 
Gabay ng Mga Mamimili sa Halloween Epic Games Sale Dredge
 

Ano ang mga nakakatakot na deal sa laro?


Matapang na tanong! Sa pagtuklas mo sa madilim na sulok ng Sale sa Halloween sa Epic Games makikita mo ang ilang nakakakilabot na laro…

DREDGE

Lubos na nakakatakot na laro’t nakasulat sa malalaking titik ang pangalan nito! Ang DREDGE ay pangingisdang larong may kakaibang aura. Huwag mangisda pagkatapos ng dilim. Subukang huwag mapangiwi habang hinuhuli mo ang gumagalaw-galaw na Lumpy Mackerel. Walang normal dito, at may mabigat na pakiramdam ng kawalan ng pag-asa habang kinukuha mo ang mga nilalang mula sa hindi mo nakikitang kailaliman. 

SILENT HILL 2

Isang remake ng horror game na nababalot ng hamog sa loob ng mahigit 20 taon na, ang SILENT HILL 2 ay sumusunod sa bidang si James habang hinahanap niya ang akala niyang patay nang asawa niya, sa sira at isinumpang bayan ng Silent Hill. Halos hindi maitago ng hamog ang mga bangungot sa paligid—lumalapit at kumakapit ang mga pasuray-suray at sugatang mamamayan sa iyo, at sinusubaybayan ka ng isa sa pinakanakakatakot na halimaw sa laro sa paghahanap mo ng katotohanan. 

Dead by Daylight

Ang pinakapangunahing tema ng horror ay tungkol sa halimaw na humahabol sa mga biktima nito. Perpekto ito para sa pangmaramihang player na laro: apat na Survivor ang tumatakbo mula sa Killer, na nagbabanta sa kanila sa mga paraang hindi na namin sasabihin. Okay, may mga kawit din ito. Iyon lang ang sinasabi namin. Ang pagkuha ng Dead by Daylight ay isang matapang na unang hakbang papunta sa isa sa pinakakumpletong serye ng horror sa gaming, tampok ang ilan sa mga pinakasikat na kontrabida mula sa pelikula at laro, na nagpapalitan ng eksena sa kanilang mga iconic na arena. 

The Casting of Frank Stone

Ang nakakagulat na resulta ng Dead by Daylight ay nagbibigay ng sulyap sa kasaysayan sa likod ng pang-maramihang player na horror game. Maghanda sa isahang player na paglalakbay sa hindi pa nakikitang nakaraan, na nagbubunyag sa mga cosmic horror na dahilan kaya napipilitang lumaban ang mga player para mabuhay. 
 

At… makakuha ng 20% pabalik sa Mga Reward ng Epic! 


Pinataas sa 20% ang Mga Reward ng Epic sa checkout kapag gagamitin ang system sa pagbabayad ng Epic sa bawat pagbili, mula ngayon hanggang Enero 8, 2026. 

At permanenteng makabawi ng 20% sa mga pagbili sa Fortnite, Rocket League, at Fall Guys kapag ginamit mo ang sistema ng pagbabayad ng Epic.

Makakatanggap kaagad ang mga player ng Mga Reward ng Epic kapag bumili sila ng kwalipikadong content tulad ng virtual currency at mga subskripsyon. Nangangahulugan ito ng higit pang reward mo, kung kailan mo gustong gamitin ang mga ito. Nalalapat ang EULA ng Epic Games Store

Magsaya sa Sale sa Halloween sa Epic Games Store!