Artikulo

I-explore ang nakakatakot na discounts sa gabay ng mamimili ng Halloween Sale ng Epic Games Store

E
Epic Games
Okt 19, 2026
Tuklasin ang nakakatakot na deals sa Halloween Sale ng Epic Games Store

Makatipid nang hanggang sa 80% sa mga nangungunang horror na laro at AAA na laro mula Oct. 19 hanggang sa Nov. 2, 2026. I-enjoy ang nakakatakot na deals sa laro sa PC at higit pa habang ongoing ang Halloween Sale ng Epic Games Store.

Mga Highlight ng Haloween

Naka-sale na ang ilang magandang laro at makapanindig-balahibong bargain.

LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight

I-explore ang magandang legacy ni Batman nang paisa-isang brick, sa open-world LEGO adventure na ito. Maranasan ang lahat: mula sa batang Bruce Wayne na nagsasanay kasama ang League of Shadows hanggang sa pagharap ni Batman kay The Joker, kay The Penguin, at sa iba pa sa isang buhay at humihinga (at gawa sa bricks) na Gotham City. Makipaglaban sa iconic na landmarks, ikarera ang Batmobile sa mga kalsada, at i-customize si Batman gamit ang daan-daang unlock.

Bilhin ang LEGO Batman: Legacy of The Dark Knight sa Epic Games Store at makuha ang Golden Batarang Knucks Pickaxe & Bricks at Batarangs Loading Screen sa Fortnite. Tingnan ang FAQ para sa eligibility at mga kumpletong tuntunin.


Corsair Cove

Gawing masiglang kanlungan ng pirata ang isang wasak na barko at walang taong isla sa Corsair Cove. Malapit nang matapos ang The Golden Age of Piracy, pero puwede kang bumuo ulit kasama ang crew mo. Gawing matataong barong-barong na bayang pinag-uugnay ng mga daan, zipline, at makinang aparato ang mga bakanteng dalisdis. Balansehin ang mga supply line, panatilihing masaya ang crew mo, at bumuo ng santuwaryo ayon sa gusto mo.

Resident Evil Requiem

Mula sa mga pasilyo ng Rhodes Hill Care Center na pinupuguran ng mga halimaw hanggang sa ruins ng Raccoon City na nababalot ng abo, puno ang Resident Evil Requiem ng horrot at mga sorpresa. Makakaranas ka ng dalawang pananaw: naka-focus ang nakakatakot na survival sections ng FBI analyst na si Grace Ashcroft sa tahimik na pagkilos, panlilinlang, at paghahanap ng resources, habang sumusugod ang series veteran na si Leon S. Kennedy sa Raccoon City nang may sapat na firepower para pumuksa ng buong kawan ng mga undead.

Bilhin ang Resident Evil Requiem sa Epic Games Store at makuha ang Grace Ashcroft Outfit sa Fortnite kasama ng binili mo. 

Para sa JP: Tingnan ang FAQ para sa eligibility at mga kumpletong tuntunin.

Para sa ROW: Tingnan ang FAQ para sa eligibility at mga kumpletong tuntunin.


Cronos: The New Dawn

Ginamit ng Cronos: The New Dawn ng Bloober Team ang 1980s na komunistang Poland, na kumpleto sabrutalist architecture at martial law, at ginawa nila itong sci-fi nightmare. Gaganap ka bilang ang Traveler, isang naka-helmet na agent na iniimbestigahan ang mga anomalya sa oras kaugnay ng Kraków para magligtas ng mga kaluluwa ng tao matapos sirain ng kakaibang salot na tinatawag na "The Change" ang lipunan. Pamamahalaan mo ang said na reserba ng ammo, itututok mo ang slow-charging shots, at lalaban ka sa kasuklam-suklam na mutants na tinatawag na Orphans. Kung hindi mo susunugin ang mga bangkay, sisipsipin ang mga ito ng mga kalapit na halimaw sa gitna ng laban at magiging mas mapanganib na variants sila.

Kunin ang Cronos: The New Dawn sa Epic Games Store at makukuha mo ang Traveler Outfit sa Fortnite. Tingnan ang FAQ para sa eligibility at mga kumpletong tuntunin. 


John Carpenter's Toxic Commando

Pinagsasama ng John Carpenter’s Toxic Commando ng Saber Interactive ang nakabatay sa physics na off-roading ng SnowRunner at ang malalaking kawan ng zombie ng World War Z. 

Maglaro bilang isa sa apat na armadong mercenary na lumalaban sa mga kawan ng mutated infected sa malalaki at lubak-lubak na mapa. Sumabak sa vehicle-based survival horror na aksiyon. Mag-navigate sa mga terrain na puno ng putik, hilahin ang mga naipit na truck mula sa mga lumubog na putik, at gumamit ng mga espesyal na sasakyan tulad ng sumasabog na police cars o healing ambulances bilang mobile bases. Nalalapat ang rules ng eksaherada at late-'80s action horror sa buong laro, na kinumpleto gamit ang orihinal na synth soundtrack na cinompose mismo ni John Carpenter.

Bilhin ang John Carpenter’s Toxic Commando sa Epic Games Store at makuha ang Walter Irons Outfit sa Fortnite kasama ng binili mo. Tingnan ang FAQ para sa eligibility at mga kumpletong tuntunin. 


Gamitin ang Pagreregalo para maibahagi ang pagmamahal

Magpadala ng mga laro at add-ons nang direkta sa mga kaibigan mo, makakuha ng Mga Reward ng Epic sa mga eligible na pagbili, o gamitin ang balance mo para sa susunod na regalong ibibigay mo. Mas pinadali na ang pagbabahagi ng laro. May mga angkop na paghihigpit kabilang ang rehiyon ng paninirahan.

I-enjoy ang Halloween Sale! At basahin ang aming buod ng mga nakakatakot na laro ng mga classic na horror na laro sa Epic Games Store.  

Mga Kaugnay na Link
10 horror movies and the games to play if you loved them
10 horror movies and the games to play if you loved them
Cronos: The New Dawn’s fallen Soviet utopia defies physics and history