
Balita
Magregalo ng Laro at bumuo ng squad sa Epic Games Store
E
Epic Games
Basahin ang lahat tungkol sa pagreregalo dito at kumuha ng laro para sa mga kaibigan, partner, o kaaway na gusto mo talagang lituhin.
Makikita mo sa ibaba ang ilang magagandang laro na puwedeng laruin kasama ang dalawa o higit pang player. Sige na, Magregalo ng Laro!
Arc Raiders
Walang genre na mas bagay laruin kasama ang mga kaibigan kaysa extraction shooter. Sa Arc Raiders, tumatakbo ka sa mga gumuho na puno ng murderbot, nangangalap ng mga kalat at umaasang makaligtas dala ang isang backpack na puno ng loot. Kung walang isa o dalawang kaibigan na nagbabantay sa iyo, malamang masusundan at mananakawan ka ng iba pang player. Kailangan mo ng mga kaibigan, para lang maipaalala nila sa ‘yo ang lahat ng pagkakataong iniligtas ka nila mula sa Rust Belt.

Pero hindi puwedeng hindi banggitin na may kakaibang chemistry na nabuo ang Arc Raiders sa pinaka-backstabbing na genre na meron. May mga server na puno ng mga palakaibigang player na tutulong sa mga estrangherong nangangailangan ng tulong at pagkakaisahan ang mga nagtatangkang magnakaw. Ito na yata ang pinaka-social at anti-social na malalaro mo. Maaari ka pang magkaroon ng mas maraming kaibigan habang nilalaro ito.
Split Fiction
Ikaw: Isang guwapo, matalino, at palabirong tao na mahilig magbasa ng mga aklat na may mga sumasabog na spaceship sa pabalat.
Ang kaibigan mo: Nagbabasa ng fantasy.
Walang katulad ang pagmamahal sa isang fandom at pagbabahagi nito sa (o pagsigaw tungkol dito) isang kaibigan. Nakatakda ang co-op gameplay ng Split Fiction sa mga mundo ng science fiction at fantasy, kung saan dalawang manunulat ang nahila papasok sa sarili nilang mga kuwento at kailangang magtulungan para makatakas. Kaya, maaari kang makipagtalo kung mas magaling si Kirk kaysa kay Gandalf o kung mas magaling na commander si Prinsesa Leia kaysa kay Daenerys Targaryen habang nakikipaglaban sa mga paborito mong genre. Kilalanin ang mga ito at maintindihin sa wakas kung bakit gustong-gusto nila ang mga dragon, habang nilalaro ang isa sa mga pinakamahusay na co-op game sa lahat ng panahon.
Battlefield 6
Ang Battlefield 6 ay may pinakamalalaking labanan sa serye. Gumuguho ang mga gusali, humahampas ang mga jet sa itaas, at sumasabog ang lahat sa kung saan-saan. Sa kaguluhan sa all-out-war, ang paggamit ng voice comms kasama ang iyong squad ang pinakamahusay na paraan para mabuhay—sa totoo lang, ito lang ang paraan. Dahil may apat na tao bawat squad, napapanatili nitong kontrolado ang kabaliwan, at isang sigaw lang sa mikropono ang kailangan para manghingi ng tulong. Kahit na magkaibigan lang kayo bago magsimula ang aksyon, magiging matalik na magkaibigan kayo pagkatapos ng mahahabang set-piece.
Pro-tip: Siguraduhing pinagkakatiwalaan mo ang player na may hawak ng spawn beacon, dahil wala nang mas masama pa kaysa mamatay at mag-respawn sa sulok ng isang malamig at madilim na bodega, kung saan naghihintay lang ang pinakaduwag mong kaibigan habang iniiwasan ang giyera.
LEGO Voyagers
Panahon na ba para maging romantiko nang kaunti? Magugulat ka kung gaano kahusay ang Lego Voyagers, ang two-player co-op adventure na itinakda sa isang mundo ng Lego kung saan naglalaro ka bilang bricks, na gumagana bilang laro para sa date. Maganda at makulay ng mundo, isang perpektong lugar para magpahinga. Nakakatawa at banayad ang mga puzzle, perpekto para makilala ang isang tao nang walang mataas na pressure. At, sa huli, baka mag-click kayo!
Satisfactory
Ang pangmatagalang layunin ng Satisfactory ang pagbuo ng isang automated, resource-gathering, at world-spanning na production line: Isang pabrika na talagang satisfying. Kung parang matrabaho ‘yan para sa isang tao, huwag kang mag-alala. Maaari kang magsama ng ilang kaibigan para tulungan kang Gumawa, Mag-automate, Mag-explore, at Mag-exploit. Magtiwala ka sa ‘min, mas masaya kung ganoon.

Hanggang apat na player ang makakasali sa isang server, kung saan kadalasang naghahatian ng tungkulin ang mga squad. Maaaaring may isang magaling sa malalim na pagtuklas ng alien world, pag-unlock ng progression, at pakikipaglaban sa katutubong wildlife, habang ang isa naman ang tutok sa pagtatayo at pag-o-optimize ng base. At nadiyan din si Tom, na mahilig talagang magmaneho ng mga truck. Valid ang lahat. Mahalaga ang koordinasyon para mapasunod ang magulong mundong ito at gawing mga ingot, bahagi, at gasolina.
Operation: Tango
Sabi sa ‘min, mahalaga ang komunikasyon. Hindi kami nakikinig. Masyado kaming abala sa paglalaro ng online co-op only spy caper, Operation: Tango. Kailangan ninyong magtulungan ng iyong partner para iligtas ang mundo, at mangangailangan iyon ng patuloy na pag-uusap, kooperasyon, at pasensya.
Dalawang player ang maglalaro ng isang co-operative movie-style spy game, kung saan palihim na gumagalaw sa ground ang isang player, at ang isa naman ay malayuan na hina-hack ang mga sistema ng seguridad sa daraanan ng partner niya. Kailangan dito ng tuloy-tuloy na usapan, ibinabalita ng field agent ang lahat ng impormasyon sa hacker, na siyang bahala sa pag-scan, pag-unlock, at lahat ng astig na bagay sa pag-eespiya.
Among Us
Isang hanay ng pagtataksil, pagsisinungaling, at palihim na pagpatay, walang ibang laro ang sumisigaw ng "pagsasama-sama" tulad ng Among Us. Kailangan mo ng hindi bababa sa apat na player (at hanggang 15) sa online game na ito kung saan ang mga kasamahan mo sa crew ay gagawa ng mga trabaho habang ang mga lihim na mamamatay-tao ay nagsasabwatan para pumatay at manaksak. Maaaring ikaw ‘yon. Maaaring matalik mong kaibigan ‘to, na minsang nangakong hindi ka niya sasaksakin ng kutsilyo. Malalaman mo kung gaano talaga katuso ang mga kaibigan mo kapag nagsimula na ang mga akusasyon.
Sinusubok nito ang pagkakaibigan, lumilikha ng ugnayan sa pagitan ng mga estranghero, at nagtatanong, na kadalasan tungkol sa kung sino ang pumatay kanino at kung saan nangyari.
Chivalry 2
Para sa karamihan, ang pagiging maginoo ay medyo makaluma at romantiko, tulad ng pagbubukas ng pinto o pagtayo sa upuan para paupuin ang iba. Isa itong anyo ng pagsasakripisyo, isinasantabi ang sarili mong ginhawa para mas maging maayos ang pakiramdam ng iba.

Kailangan nating linawin ito: Hindi iyon ang mangyayari sa Chivalry 2. Magugulat ang mga kaibigan mo kapag niyaya mo silang maglaro, dahil umaasa silang magiging maginoo ka, pero mapapanod ka nilang pumutol ng binti ng isang tao at gamitin ito bilang pamalo. Isa itong nakakatawa at marahas na pangmaramihang player na laro kung saan hindi maitatago ng putik at dugo ng medieval na panahon ang kabaliwan sa iyong mga mata. Sa totoo lang, posibleng mas kaunti na ang squadmates mo pagkatapos.