
Paano ako tinuruan ng Arknights: Endfield na tumigil sa pag-aalala at mahalin ang mga gacha game

Noong una kong ni-launch ang Arknights: Endfield, naisip ko ang Pokémon.
Noong unang dumating ang mga game na iyon sa Game Boy, ako ay isang mayabang na teenager na nag-akalang napaka-mature na para maglaro ng mga ito. Pagkatapos, pinanood kong maging cultural phenomenon ang Pokémon at sa loob ng maraming taon, iniisip ko sa loob-loob ko na sinayang ko ang aking pagkakataon.
Laging mayroong paraan para magsimula—available sa maraming kulay, sa maraming henerasyon ng hardware—pero gumawa ako ng mental barrier sa parehong dahilan kung bakit parang mahirap maging interesado sa komiks: Parang nakakatakot ang pag-unawa para maging mahusay. Ngunit kalaunan, itumigil ako sa sobrang pag-iisip, naglaro ng Pokémon , inaral kung paano ito gumagana at minahal ang franchise.
Makalipas ang maraming taon, napunta ako sa parehong sitwasyon, sa mga gacha game naman sa panahong ito—isang genre na ipinangalan sa salitang hindi ko pa naririnig at hindi ko nauunawaan, at tila biglang kumalat sa lahat ng lugar matapos ilabas ang Genshin Impact. Mabuti na lang, masasabi kong hindi ko inulit ang parehong pagkakamali. Kahit papaano, masasabi kong nasubukan ko na ang ilan sa pinakamalalaking laro.
Ang hindi ko masasabi, hanggang nitong kamakailan, ay ang tunay akong naging komportable sa mga gacha game.
Narito ang Arknights: Endfield, ang pinakahuli at pinakamahusay kong pagtatangka upang matuto talaga ng bagong video game language. Ang aking paglalakbay para maging matatas ay nagpalito sa akin, sobrang nagpahirap sa akin, nagturo sa akin, at nagpakumbaba sa akin. Ginawa rin ako nitong fan.

Gacha catch 'em all
Akala ko hindi ko alam kung ano ang gacha game. Mali ako sa halos lahat, dahil sa mga department store ng '80s.
Noong bata pa ako, ang liit ko pa kaya kailangan pa akong kaladkarin ng nanay ko tuwing namimili siya, ang paborito kong mga tindahan ay 'yong may mga machine sa lobby. At ang paborito kong libangan noon ay ang humingi sa nanay ko ng bente-singko sentimo para maari kong maihulog sa slot, paikutin ang bakal na hawakan, at makakuha ng bubble gum na sintigas ng bato o maalikabok na plastic na spider ring, na nakalagay sa bilog at transparent na plastic.
Lumabas na, halos gacha machine naman talaga 'yun, kahit na sa totoo lang mas ayos ang mga 'yun kaysa sa mga makina sa Hills noong 1987. Mayroon silang mga kapsula, at may mga laruan sa loob nito, ngunit ang mga bersyon ng Hapon ay nagsimula pa noong dekada 1960 at may pangalan: gachapon o gacha lang.
Bago ako umupo para maglaro ng Arknights: Endfield, nag-research ako dahil pakiramdam ko ay kailangan kong mas maunawaan kung ano ang isang gacha game. Gusto kong malaman kung ano ang hahanapin, at ito ang natutunan ko: Ang dating pisikal na pagpihit sa hawakan para makakuha ng premyo ay naging digital at inaplay na sa mga video game.
Sa mga video game, ang ideya ay may malaking prize pool na puno ng maraming bagay na gusto mo, at maraming bagay na talagang hindi mo gusto. Kaya, sa lingo ng gacha game, nag-pu-pull ka (naiisip ko ang bar sa gilid ng slot machine) at nakakakuha (ideally) ng magagarang premyo.
Lumabas na hindi rocket science ang konseptong ito. Pero ang paraan kung paano ito gumagana partikular sa mga laro ay medyo mas kumplikado. May dala akong kaunting kaalaman na nakuha ko habang nagda-download ng Arknights: Endfield mula sa Epic Games Store—kasama ang paliwanag sa EGS gacha game—kaya't sumisid na ako.

Sobrang daming laro
Ang opening salvo ng Arknights: Endfield ay 30 minutong matinding espadahan na dulot ng adrenaline, exploration na ginamitan ng zipline, at pagtawid sa isang tundra na nababalutan ng niyebe, kung saan ang grand finale ay pinagharap ako at isang grupo ng mga kaalyado na lalabas sa tamang oras upang talunin ang boss na halos kasinglaki ng bundok.
Ang base game ay hindi gaanong naiiba sa panimulang misyon na iyon, na nagbibigay ng halos walang tigil na pagkakataon para ihataw ang aking espada, gumawa ng sunud-sunod na eksplosibong atake kasama ang aking mga teammate, mag-explore ng isang open world, at kumita ng napakaraming iba't ibang uri ng currency para sa aking mga pagsisikap.
Ang Arknights: Endfield ay isang larong punung-puno ng kuwento, na may mga cutscene na puno ng mga karakter at paglalahad ng kuwento sa bawat landas na aking tinahak. Pagkatapos ng eksplosibong introduksyon, nagising ako mula sa 10-taong pagkaidlip sakay ng OMV Dijiang, ang base ng Endfield Industries at aking tahanan. Nalaman kong ako ang Endministrator, na malinaw na isang mahalagang posisyon dito sa spaceship na ito, na nakapuwesto sa mababang orbit sa paligid ng buwan na kasinlaki ng planeta na tinatawag na Talos-II. Kumukuha kami ng mga yaman tulad ng Originium mula sa baba, nire-refine ang mga ito, at lumilikha ng mga bagay gamit ang mga ito sa Dijiang.
Natutunan ko ito sa mismong parehong paraan na natutunan ito ng aking karakter, mula sa isang babaeng nagngangalang Perlica na narito para tulungan akong alalahanin na ako ay isang lider, isang mandirigma, isang imbentor na may kalibreng Edisonian—sa madaling salita, isang dakilang bayani. At lumalabas, siya rin pala.
Habang naglalaro ako sa campaign, nakakatagpo ako ng mga bagong karakter sa natural na paraan, ilan sa kanila ay available para sumama sa aking crew ng mga fighter (itinuturing na tao ang mga panda na napakalaki at hugis-tao). Si Perlica ay agad na naging paborito ko at palagang kasama.
Hindi naman ganoon kakumplikado ang mga misyon na ipinapagawa nila sa akin, mabilis at maaksiyon ang labanan, na nakapokus sa pagpapakita ng mga nakamamanghang galaw habang pinupuno mo ang mga meter sa bawat patama. Patuloy na pindutin ang isang button, at ang bawat karakter sa iyong party ay makikisali sa aksyon, at mababawasan nang napakalaki ang mga health bar ng kalaban.
Pagkatapos, naging komportable na ako sa aking Talos-II.
Sa loob ng mahigit 10 oras, para bang halos bawat misyon ay nagturo sa akin kung paano gumawa ng bago sa Arknights: Endfield. Kabilang dito ang malalaking bahagi ng construction, na parang isang laro sa loob ng laro. Hindi ko lang kailangang maghanap at mangalap ng mga yaman sa Talos-II, kundi kailangan ko ring i-refine ang mga yamang iyon para maging kapaki-pakinabang na bahagi at gumawa ng mga bagay tulad ng armor mula sa mga ito. Mahusay ang pagtuturo ng laro sa akin ng mga batayan, ngunit ang Epic Games Store gabay tungkol sa pagiging bihasa sa pagmamanupakturaay nagpalalim sa aking mababaw na kaalaman.
At hindi ako naligaw. Patuloy kong iniisip, “Hindi naman ito ganoon kasama.”
Patuloy ko ring iniisip, “Nasaan na itong gacha na ito?” Inabot ng mahigit apat na oras para ma-introduce ng Arknights: Endfield ang mga pulls, at doon na mas nag-demand pa sa akin ang laro.

Makita ang totoong nangyayari
Nakakatawa ito. Hindi ko napagtanto kung gaano 'yun kaangkop na naisip ko ang Pokémon. Lumalabas na ang series tungkol sa paghuli sa kanilang lahat ay may pagkakatugma sa mga gacha game, kung saan nangongolekta ka ng mga operator o kakamping lalaban kasama mo. Ang paghuli sa kanilang lahat sa Arknights: Endfield ay tungkol sa pagbubuo ng isang magaling na team.
Araw-araw, maraming oras akong naglalaro ng Arknights: Endfield, at araw-araw, nakukuha ko ang mga daily reward ng laro. Napakahirap maintindihan ng ilan sa mga ito, pero na-realize ko na hindi ko kailangang magpaka-stress. Ipinaliwanag sa akin ng laro kung ano ang kailangan kong malaman sa tuwing kailangan ko ito, kaya sa tingin ko ganoon din sa gacha system.
Pero talagang gusto ko ng mag-pull. May literal na lever sa laro, at parang tinatawag ako nito.
Sa ikaapat kong araw na paglalaro nang sunud-sunod, nakatanggap ako ng maraming item bilang reward sa pag-log in, tulad ng sa bawat ibang araw. Kaunting-kaunti lang ang naintindihan ko, pero mas naging kumportable ako, kaya nagpasya akong basahin ang deskripsiyon ng bawat item. Laking gulat ko nang malaman ko na garantisado akong makakuha ng six-star na karakter — ang pinakamataas na pwedeng makuha sa laro. Pagkatapos, gagawin ko na sana, nakita ko ang listahan ng mga karakter, at natigilan ako. Hindi ko lubos maisip kung sino ang pipiliin ko.
At ang maganda rito: Katulad lang sa bawat ibang bahagi ng Arknights: Endfield, hindi ko kailangang malaman agad. Tiwala ako sa mga developer para sabihin ito sa akin sa kalaunan, dahil napaniwala nila ako. Malalaman ko ito, kapag gusto nilang ipaalam sa akin.
At kinabukasan, naintindihan ko na kung ano talaga ang nangyayari.
Nakatanggap ako ng maraming Chartered HH Permits para sa paglalaro at pag-log in. Lumalabas na ang ibig sabihin ng HH ay Headhunting, na siyang tawag ng Arknights: Endfield sa mga pull. Kaya pumasok ako sa menu, kinumpirma na marami akong nakuha, at pagkatapos ay lumipat ako sa Headhunting menu mula roon. Doon ko narealize na garantisado akong makakakuha ng six-star na karakter sa tiyak na bilang ng pulls. At marami akong available na pulls.
At bigla, nakita ko ito ito, na ganito mismo sa utak ko:
- Kikita ka ng currency para makapag-pull.
- Ikaw ang magpu-pull. Baka swertehin ka. Malamang makakakuha ka ng maayos lang.
- Naaawa ang laro sa iyo at gumagarantiya ng napakagandang bagay pagkatapos ng ilang pag-pull.
- Ang resulta: Makakaipon ka ng currency hanggang sa masigurado ang napakagandang bagay.
Ngayon na ang oras! 'Di na ako nagdalawang-isip, at nag-pull ako nang nag-pull, at nalaman ko na lang, mayroon na akong six-star na karakter.
At nakuha ko. Naintindihan ko na kung bakit gustung-gusto ito ng mga tao. Tungkol itong lahat sa pagkamit ng karapatang kumuha ng mga random na premyo mula sa mga banner. 'Yan ang gacha.
Ang aking six-star Lifeng ay naging pinakabagong miyembro ng aking grupo, naroon siya para tumulong na talunin ang mga kalaban at iligtas ang mundo. At talaga namang napangiti ako sa tuwing tinitingnan ko ang bago kong party member. Ginawa ko 'yon. Sa wakas, nakuha ko na.

Ang dami pang dapat malaman
Ganito rin ang naisip ko tungkol sa dalawang magkaibang-magkaiba na laro nitong nakaraang buwan o higit pa. Habang sinusubukan kong maintindihan ang Crimson Desert at Arknights: Endfield, patuloy kong naiisip, “Naku, ang daming game sa game na ito. “Anuman ang maximum na dami ng gameplay na nasa laro, ganito dapat ito.”
Isa akong world-class na overthinker, at laging ini-scan ng utak ko ang aking mga pagkabigo, kumbinsido na may hindi ko napapansin ang malinaw at ginagawa ko nang mali 'ang bagay' na ito (ibig kong sabihin sa "ang bagay", ay ang 'lahat'). Siguro, patuloy akong nag-iisip habang naglalaro ng Arknights: Endfield, na isa lang akong walang muwang na walang sapat na alam para malaman kung ano ang hindi niya alam.
Kung ganoon nga, ayos lang sa akin na wala akong alam sa kasalukuyan. Walang kahit ano sa larong ito na parang pumipigil sa progress. Walang kahit ano sa una kong mahigit 10 oras ang nagparamdam sa akin na dapat akong gumastos ng totoong pera para sa mga in-game reward. Nakakuha ako ng mas maraming bagay na hindi ko na alam ang gagawin sa mga ito. Baka magbago iyan balang araw kapag lubos ko nang nauunawaan ang lahat. Pero hindi pa ngayon ang araw na iyon, at hangga't hindi pa ito nangyayari, kuntento na akong makakuha ng napakaraming laro nang libre at matuto habang ako'y nagpapatuloy.
Mga 15 oras ang ginugol ko sa paglalaro ng Resident Evil Requiem nitong unang bahagi ng taon. Ito ang klase ng larong may kuwento, malaki ang budget, at puno ng campaign na gustung-gusto ko. Malaki ang nagastos ko diyan, at masaya ako na ginastos ko ang pera para sa saya ng Capcom. Halos ganoon din karaming oras na nilaro ko ang Arknights: Endfield, at talagang nag-e-enjoy ako rito. Wala akong ginastos na kahit isang dolyar at mas marami itong naituro sa akin tungkol sa mga gacha game. Napakagandang deal na niyan, kung tatanungin mo ako.
Kung na-curious ka sa ganitong brand ng adventure, ang Epic Games Store ay punung-puno ng mga gacha game mula sa Arknights: Endfield hanggang sa Genshin Impact, Infinity Nikki, Honkai: Star Rail, Snowbreak: Containment Zone, at Wuthering Waves. Sa puntong ito, sa tingin ko na-hook na ako, kaya kung magkasalubong tayo, siguraduhin mong mag-hi, Endministrator.