Mga bagong Black Friday deal ang darating sa Epic Games Store ngayong weekend
Opisyal nang dumating ang Black Friday weekend, at ipagdiriwang natin ito sa pamamagitan ng paglabas ng bagong wave ng mga deal sa Epic Games Store Black Friday Sale! Tingnan ang ilan sa mga bagong highlight sa ibaba, sakto para sa busiest shopping spree ng taon. Matatapos ang sale sa Dis 1, kaya mamili na.
Higit pang mga Black Friday Bargain
Kunin na ang mga ito!
Kernel Hearts
Ang Kernel Hearts ay isang multiplayer na co-op roguelike action RPG kung saan aakyatin ng isang team ng mga mahiwagang babae ang Tower of Babel para pabagsakin ang Diyos. Sa bawat run, lalabanan mo at ng team mo ang mga anghel, magtitipon ng resources, pagsasamahin ang mga kapangyarihan, at magpapalakas para makaakyat sa susunod na level. Makipagtulungan sa mga tao sa ibaba ng tore para ma-customize ang iyong mga character at umakyat patungo sa dulo
Star Wars: Galactic Racer
Sumali sa Galactic League, isang unsanctioned combat racing circuit kung saan ang mga kriminal at sindikato ay tumataya sa mga racer na humaharurot sa Tatooine, Jakku, at marami pang iba. Bawat karera ay isang labanan habang bumabangga ang mga Podracer sa mga Speeder Bike para maipit ang mga kalaban palabas ng track. Gampanan ang papel ni Shade, isang mag-isang piloto na naghahanap ng paghihiganti at kaluwalhatian sa single-player, o sumabak sa magugulong multiplayer grudge match. Para mabuhay, kakailanganin mong i-customize ang iyong repulsorcraft gamit ang mga performance upgrade at mga tactical ability.
End of Abyss
Gabayan ang batang combat technician na si Cel sa pagbaba niya sa mga abandonadong bulwagan ng malawak na underground complex na puno ng mga kakila-kilabot na nilalang. Ang End of Abyss ay isang slow-burn isometric horror game kung saan panandaliang maiilawan ng mga kumukurap na ilaw ang mga infected na tao na naging mga tumpok ng kakila-kilabot na laman. Maghanap ng mga supply, i-upgrade ang gear mo, at lumaban para mabuhay sa kailaliman ng pasilidad.
Sonic Racing: CrossWorlds
Makipagkarera sa mga kart (at bangka, at eroplano) sa mga track na hango sa 35-taong kasaysayan ng Sonic the Hedgehog at lumundag sa pagitan ng mga mundo sa Sonic Racing: CrossWorlds. Hindi magiging mahalaga kung saan ka magsisimula sa CrossWorlds, dahil maaaring pumili ang nangunguna sa karera ng ibang level na tatahakin para sa ikalawang lap bago bumalik sa isang dynamically altered na bersiyon ng orihinal na track para sa huling lap. Sa una, dadaan ka sa tabi ng mga buhay na dinosaur, at sa susunod naman, tatalon ka kasama si Tails sa isang museo na puno ng mga fossil.
Halloween: The Game
Magmanman sa Haddonfield bilang si Michael Myers sa 1v4 asymmetrical horror na ito. Tatakutin mo ang bayan, puputulan sila ng mga linya ng telepono, dahan-dahang gumalaw, at maging invinsible sa pagkilos para matakasan ang mga takot na sibilyan. Sa multiplayer, kalaban mo ang Heroes of Haddonfield, na kailangang makumbinsi ang mga tagabayan na tumakas at ihatid sila palayo sa panganib habang tinutugis sila ng hindi mapatay na nilalang.
May iba pa!
Habang namimili ka, puwede mo ring makuha ang LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight, Super Meat Boy 3D, , Cyberpunk 2077, Dying Light: The Beast, The Witcher 3, at marami pang iba.
Enjoy!





