Old World

4.7
Iba't Ibang Uri ng Karakter
Lubos na Irerekomenda
Isang rebolusyonaryong historical strategy game ang Old World kung saan pamumunuan mo ang iyong dinastiya na ilang henerasyon na ang itinagal laban sa mga karibal na kaharian. Maglunsad ng mga malawakang digmaan, pamahalaan ang iyong palasyo, at magtayo ng dinastiya—o panoorin ang pagguho ng iyong imperyo. Anong legasiya ang iyong iiwan?

Old World

01

Tumatawag ang Sinaunang Panahon

Isang historical strategy game ang Old World kung saan pamumunuan mo ang iyong imperyo sa pamamagitan ng maraming henerasyon para makabuo ng dakilang legasiya na higit na magtatagal kaysa sa buhay mo. Panahon ito ng mga dakilang pinuno, mula sa mga iginagalang hanggang sa mga kinatatakutan. Ano ang pipilin mo?

Mahalaga ang Pamilya

Ikasal dahil sa politika, palikihin ang iyong mga tagapagmana, at pamahalaan ang relasyon ng mga pamilya sa iyong kaharian. Sa mabilis at nagngangalit na mundo ng mga hari at reyna, mahalaga ang pamilya.

  • May apat na maharlikang pamilya ang bawat 7 kaharian na nagbibigay ng iba't ibang benepisyo kapag itinalaga mo sila sa isa sa mga lungsod mo.

  • Pamahalaan ang ugnayan ng mga pamilya sa pamamagitan ng mga kaganapan, aksiyon, at pagsasama para mapanatili silang masaya at makakuha ng mga karagdagang benepisyo. Galitin sila, o gawin silang labis na makapangyarihan, at ipagsasapalaran mo ang kanilang galit.

  • Panatilihin ang matatag na pamilya, o abalahin ang sarili sa mas marami pang ipinagbabawal na gawain.

02

Character-driven

Puno ang mundo ng magagandang karakter na may mga natatanging personalidad, lakas, at kahinaan.

  • Maghanap at mag-recruit ng mga sikat na mandirigma, pilosopo, manggagawa, at marami pang iba. Hayaan silang turuan ang iyong mga anak, mamuno sa iyong mga hukbo, at isulong ang iyong paghahari.

  • Nagbibigay ng pagkakataon ang iba't bang personality archetype sa mga miyembro ng iyong palasyo na magsagawa ng magkakaibang mga gawain sa magkatulad na mga tungkulin. Alamin kung paano magamit nang lubos ang mga gobernardor, diplomat, spymaster, at maging ang iyong asawa.

  • Nakakabuo ng mga bagong personalidad at katangian ang mga karakter habang tumatanda at nakakakuha ng karanasan bago mamatay, na siyang mag-iiwan ng puwang para sa susunod na henerasyon.

03

Isang Mundo na Dapat Tuklasin

Ang mga tribong lagalag, mga tulisang barbaro, at mga iniwan ng nagdaang kultura ay naghihintay sa malawak at di pa nagagalugad na kaparangan.

  • Tumuklas ng mga artifact at dakilang mga bayani ng nakaraan sa mga ruin na nagkalas sa buong mapa.

  • Maranasan ang mahigit 3,000 natatanging event na hango sa kasaysayan at mitolohiya.

  • Makipag-ugnayan sa mga foreign dignitary na magdudulot ng mga sanga-sangang pangyayari, istorya, at courtroom drama.

  • Ipagpatuloy ang mga ambisyon at legasiya na may kaugnayan sa pananakop, pag-unlad, pananampalataya, at iba pa.

  • Mga sitwasyong hango sa kasaysayan, mga lingguhang challenge game, at choice sa pagitan ng randomly generated at handcrafted na mga mapang pwedeng i-explore. Pamunuan ang Carthage tungo sa tagumpay bilang si Hannibal sa Punic Wars, dumepensa laban sa mga Barbarian Horde, o makipagtagisan laban sa ibang mga player sa pagharap sa mga kathang-isip na scenario.

04

Pagbabago sa Kalakaran

Bakit natin gagawin ang mga bagay sa paraang ating nakagawian? Handog ng Old World ang bagong take sa mga pangunahing elemento ng 4X strategy genre:

  • Huwag lamang tumutok sa mga tradisyunal na kayamanan. Gawa ang mga gusali sa kahoy at bato, hindi "industriya." Hindi lamang dumarami ang populasyon dahil sa "pagkain."

  • Resource ang mga Order sa buong kaharian. Imbes na pagalawin ang bawat unit sa kada turn, maaari nang pagalawin ang bawat unit nang ilang beses hanggang sa mapagod ito o wala nang mga Order.

  • Hindi nakatakda ang pag-unlad ng teknolohiya. Pinapanatili ng randomization na sariwa ang mga technology tree kada bagong playthrough.

  • Mga improvement sa quality of life, gaya ng pag-undo ng mga maling command at nested tooltip, ang sisiguro na laging informed ang iyong mga desisyon.

  • Maglaro kasama ang mga kaibigan sa di-mabilang na mga multiplayer mode—mula hotseat, hanggang aynschronous, hanggang cloud play.

  • Maranasan ang Grammy-nominated soundtrack na pinagsasama ang Arabic music at mga kontemporaryong impluwensiya.

  • Nagbubukas ng walang katapusang options ang mga mod para sa mga bagong mundo, imperyo, at dinastiya—hango sa tunay na mundo, at pati na sa mga akdang kathang-isip.

Mga Available na Achievement

Centenarian
5 XP
Legendary Stele
5 XP
Alexander the Great
5 XP
Alexander the who?
5 XP
Lighthouse in Alexandria
5 XP

Mga Edisyon ng Old World

DLC at Mga Add-On ng Old World

I-follow Kami

Mga Rating ng Player sa Epic

Nakuha mula sa mga player sa ecosystem ng Epic Games.

4.7

Ang larong ito ay may

Iba't Ibang Uri ng Karakter

Ang larong ito ay

Lubos na Irerekomenda

Ang larong ito ay

Sobrang Saya

Ang larong ito ay

Nakaka-relax

Ang larong ito ay

Nagbibigay-kaalaman

Ang larong ito ay may

Mahirap na Labanan

Kinakailangan sa System ng Old World

Minimum

Inirerekomenda

OS

Windows® 10 (64-bit)

OS

Windows® 10 (64-bit)

Processor

Intel® Core™ i5-4570 (quad-core) / AMD® Ryzen™ 3 2200G (quad-core)

Processor

Intel® Core™ i5-8600K (hexa-core) / AMD® Ryzen™ 7 1700X (octa-core)

Memory

8 GB RAM

Memory

16 GB RAM

Storage

10 GB

Storage

10 GB

DirectX

11

DirectX

12

Graphics

NVIDIA® GeForce® GTX 750 (2 GB) / AMD® Radeon™ HD 7950 (3 GB)

Graphics

NVIDIA® GeForce® GTX 1060 (6 GB) / AMD® Radeon™ R9 390X (8 GB)

Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in

Epic Games

Mga Wikang Sinusuportahan

  • Ingles, Espanyol - Spain, French, German, Chinese - Simplified, Chinese - Traditional, Japanese, Portuguese - Brazil, Russian, Korean

Copyright © 2021 Mohawk Games. Old World is a trademark of Mohawk Games. All rights reserved.

Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)
* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento