Mga Pangmaramihang Player na Laro
Mag-download at maglaro ng mga Pangmaramihang player na laro mula sa Epic Games Store. Nag-aalok kami ng ilan sa pinakamagaganda at pinakanakakasabik na Pangmaramihang player na larong puwedeng laruin kasama ang mga kaibigan o kahit sino.
FAQ sa mga Pangmaramihang Player na Laro
Ano ang pangmaramihang player na laro?
Ang maramihang player na video game ay larong maaaring laruin ng mahigit sa isang tao. Matagal nang umiiral ang mga pangmaramihang player na laro simula pa noong unang video game. Sa kasalukuyan, may iba’t ibang anyo ang mga pangmaramihang player na laro.
Nagbibigay-daan sa mga player ang local na maramihang player na maglaro nang magkakasama sa iisang computer. Maaaring gawin ito gamit ang maraming controller, o kaya’y sa pamamagitan ng paggamit ng mga player ng iba’t ibang key sa iisang keyboard. May mga turn-based din na maramihang player, kung saan salitan ang mga player sa paggamit ng parehong computer para maglaro. Kilala rin ito bilang hotseat gaming. Nagbibigay-daan ang pangmaramihang player na laro online na makakonekta ang mga player sa isa’t isa sa pamamagitan ng malawak na network gaya ng Internet, o kahit local network para maglaro nang magkakasabay sa pangmaramihang player na laro.
Masaya ang pangmaramihang player na laro para sa PC dahil maaari kang maglaro kasama ang iyong mga kaibigan o maging ang mga random na player na mahilig din sa parehong online na laro.
Kailangan ko bang mag-online para maglaro ng pangmaramihang player na laro?
Hindi, hindi nangangailangan ng koneksyon sa internet ang lahat ng pangmaramihang player na laro. Sa pamamagitan ng local na maramihang player, nakakapaglaro ang mga player sa iisang system, maaaring gamit ang maraming controller o hot seat gaming, o sa pamamagitan ng Local Area Network. Bagama't hindi na ito kasing-popular gaya ng dati, ang mga LAN party ay mga pagtitipon kung saan nagkikita nang personal ang mga player at ikinokonekta ang kanilang mga computer sa local network para maglaro ng pangmaramihang player na laro.
May mga libre bang pangmaramihang player na laro para sa PC?
Oo, maraming libreng pangmaramihang player na laro para sa PC. Puwede kang maghanap sa Epic Games Store gamit ang mga label ng katergorya. Sa kasong ito, hanapin mo sa store ang mga may label ng "libre" at "maramihang player". Narito ang link sa mga libreng pangmaramihang player na laro.
May co-op bang maramihang player?
Oo, may mga cooperative o co-op na pangmaramihang player na laro. Ang mga larong ito ay nagbibigay-daan sa iyong laruin ang buong laro kasama ang kaibigan o mga kaibigan, habang magkasama kayong nagsusumikap na makamit ang iisang layunin.
May mga online na laro bang puwedeng laruin kasama ang mga kaibigan sa magkakaibang computer?
Maraming online na larong maaari mong laruin kasama ang mga kaibigan sa magkakaibang computer. Ang pinakamagandang paraan para mahanap ang mga ito ay ang pag-search sa maramihang player online, online co-op, o online competitive na mga laro sa Epic Games Store.
May mga pangmaramihang player na laro bang may suporta sa controller?
Oo, mga pangmaramihang player na larong puwede mong laruin gamit ang game controller. Para mahanap ang mga ito, maaari mong gamitin ang mga label ng kategorya sa Epic Games Store. Dapat mong hanapin ang mga pangmaramihang player na laro gamit ang suporta sa controller, mga laro sa co-op na may suporta sa controller, at competitive na mga larong may suporta sa controller.
May mga pangmaramihang player na laro ba sa PC para sa magkasintahan?
Oo, may mga pangmaramihang player na laro para sa PC para sa mga magkasintahan. Depende sa uri ng larong gustong laruin ng magkasintahan, makikita nila ang eksaktong hinahanap nila sa pamamagitan ng paghahanap gamit ang iba’t ibang label na nakalista sa sagot sa itaas.

















