Mga Barilang Laro
Mag-download at maglaro ng mga Shooter game mula sa Epic Games Store. Nag-aalok kami ng ilan sa pinakamahuhusay at pinakanakakasabik na First at Third Person Shooting game na puwedeng laruin online, isahang player man o kasama ang mga kaibigan.
FAQ sa mga Shooter Game
Ano ang mga shooter game?
Ang mga shooter game ay mga action game na nakatuon sa player o player na nakikipaglaban gamit ang mga baril. Karaniwan, may access ang player sa iba’t ibang klase ng armas, uri ng bala, at iba’t ibang klase ng armor. Karaniwan, ang mga kalabang haharapin mo ay may katulad ding armas at kagamitan.
May mga PC shooter game bang may suporta sa controller?
Oo. Makakahanap ka ng mga PC shooter game gamit ang tag na ‘Suporta sa Controller’ sa kasalukuyang kategorya ng Browse page. Sa link na ito, makikita mo rin ang mga shooter game kasama ang suporta sa controller para sa PC.
May libre bang mga PC shooter game sa Epic Games Store?
Oo. Bukod sa Fortnite, marami pa kaming ibang libreng shooter game na puwede mong laruin. Maaari mong piliin ang tag na ‘Libre’ sa kasalukuyang kategorya sa Browse page para makita ang mga libreng shooter game sa loob ng store. Dadalhin ka ng link na ito sa Mga Libreng Shooter Game na kailangag ma-download sa Epic Games Store.
May mga third-person shooter game ba?
Oo. Ang mga third-person shooter ay mga laro kung saan ang camera ay sumusunod sa player, kaya makikita mo ang sarili mo sa gitna ng laban. Marami kang makikita sa paligid habang naglalaro.
Maaari mong hanapin ang mga "Third-Person" shooter game sa kasalukuyang kategorya ng Browse page para makita ang mga third-person shooter game sa loob ng store. Dadalin ka rin ng link na ito sa Mga Third-Person Shooter Game na mayroon kami sa Epic Games Store.
Kung hindi mo pa alam, ang alternatibo sa mga ‘third-person shooter’ ay ang mga ‘first-person shooter’, at maaari mong hanapin ang lahat ng Mga First-Person Shooter Game sa naka-highlight na link.
May mga offline shooting game ba para sa PC?
Oo. Maaari mong piliin ang tag na ‘Isahang Player’ sa kasalukuyang kategorya ng Browse page para makahanap ng mga offline survival game sa loob ng store. Dadalhin ka ng link na ito sa mga Isahang Player Shooter Game na naka-tag sa Epic Games Store.





































