Mga Survival na Laro
Mag-download at maglaro ng mga Survival Game para sa PC mula sa Epic Games Store. Nag-aalok kami ng pinakamagaganda at pinakanakakasabik na Survival game.
FAQ sa mga Survival Game
Ano ang mga survival game?
Sa mga survival game, kailangang mabuhay ng player sa mapanganib na kapaligiran, gamit ang kasanayan at kagamitan para manatiling buhay. Karaniwang nagsisimula nang walang anuman, kailangan ng mga player sa mga survival game na kumain, gumawa ng mga kasangkapan, manghuli ng mga hayop, magtayo ng tirahan, at mangalap ng mga yaman. Ang ilang laro ay may mga layunin, gaya ng pagdaig sa mga boss o paglagpas sa mga hamon, pero layunin ng karamihan sa mga survival game na buhayin ang player hangga’t maaari.
May mga survival game ba para sa PC na may suporta sa controller?
Oo. Maaari mong piliin ang tag na ‘Suporta sa Controller’ sa Browse page para makahanap ng mga survival game na may suporta sa controller sa store. Ang link na ito ay magdadala rin sa iyo sa mga survival game na may suporta sa controller para sa PC.
May mga open world survival game ba para sa PC?
Oo. Sa katunayan, karamihan sa mga survival game ay open world, salamat sa pangangailangan ng malaking mapa at pangangalap ng mga yaman. Ang mga yaman ay karaniwang nakakalat sa malawak na lugar para hanapin ng player at pagsamahin.
Maaari mong gamitin ang tag na “Open World” sa Browse page para makahanap ng mga open world na survival game sa store. Ang link na ito ay magdadala sa iyo sa mga Open World Survival Game na na-tag namin sa Epic Games Store.
May mga offline at online bang survival game?
Oo. Maaari mong gamitin ang tag na “Pang-isahang Player” sa Browse page para makahanap ng mga offline na survival game sa store. Ipapakita sa iyo nito ang lahat ng Pang-isahang Player na Survival Game na aming na-tag sa Epic Games Store.
Maraming survival game para sa PC ang may pangmaramihang player, na nagpapahirap pa lalo sa kanilang mundo. Makikipaglaro ka laban sa mga tunay na tao, na maaaring maging palakaibigan o maaaring kumuha ng lahat ng iyong gamit.
Maaari mong piliin ang tag na “pangmaramihang player” sa Browse page para makahanap ng mga online na survival game sa store at matuklasan ang lahat ng Pangmaramihang Player na Survival Game sa Epic Games Store.
Ano ang pinakamakatotohanang survival game?
Halos lahat ng survival game ay naglalayong maging makatotohanan. Ang ilan sa mga pangunahing elemento ng genre--gutom, uhaw, tirahan, at pagprotekta sa sarili laban sa panganib--ay mga temang pangkalahatan. Ito ang mga pangunahing pangangailangan na kailangang tugunan hindi lang sa laro kundi maging sa totoong buhay. Ang anumang survival game na nagnanais maging makatotohanan ay dapat magkaroon ng mga elementong ito higit sa lahat. Maaaring magkaroon ng ganitong klaseng realismo sa anumang genre ng laro, maging post-apocalyptic, sci-fi, o fantasy man.






































