Mga VR na Laro
Nag-aalok ang Epic Games Store ng ilan sa pinakamagagandang VR Game. Mag-download na at simulang maglaro ng masaya at nakakasabik na mga VR Game para sa PC.
FAQ sa mga VR Game
Ano ang mga VR game?
Ang mga VR game ay nilalaro gamit ang virtual reality headset. Ang virtual reality headset ay isang espesyal na piraso ng hardware sa paglalaro na kumokonekta sa PC. Isusuot ito ng player sa kanilang ulo, na tatakpan ang kanilang mata at tainga. Kapag nakasuot, dadalhin ng virtual reality headset ang player sa loob ng mundo ng laro, kung saan ang nakikita ng first-person ay lilitaw sa screen sa loob ng headset. Ang headset ay may kakayahang subaybayan ang mga galaw ng katawan ng player, na nagbibigay-daan sa kanilang kumilos at tumingin sa kapaligiran ng larong parang nasa loob mismo ng laro. Karaniwan, ang mga VR headset ay may kasamang pares ng controller na sumusubaybay sa galaw na nagpapahintulot sa mga player na makipag-ugnayan sa mundo ng laro. Dahil nasusundan ang kanilang galaw, makikita ng mga player ang posisyon ng controller sa loob ng laro, na nagbibigay-daan sa mga player na makipag-ugnayan sa mga bagay sa laro.
Malaki ang kaibahan ng paglalaro mula sa perspektibo ng first-person gamit ang monitor kumpara sa nakikita sa virtual reality. Ang mga VR game ay idinisenyo para maging mas bahagi ng mundo ng laro ang player sa mas pisikal at interaktibong paraan kaysa sa ibang laro. Kapag naglalakad, umiikot, yumuyuko, o gumagalaw ang kamay ng player sa totoong buhay, gayundin ang aksyon nila sa loob ng laro. Ibig sabihin, maaari silang yumuko sa likod ng pader para magtago sa pamamagitan ng pagyuko sa totoong buhay. Maaari din silang magbukas ng lever, pumulot ng gamit, tumutok ng baril, o maghagis ng granada sa laro sa pamamagitan ng paggalaw ng kanilang braso sa tunay na mundo.
Dahil sa ganitong antas ng interaksyon, kadalasang maraming bagay sa pisika ang mga partikular na larong VR na nakokontrol ng player. Maaari itong mga gamit na kailangang buhatin o pagpatung-patungin, o kahit mga zombie na puwedeng hawakan at hampasin.
Malawak ang saklaw ng mga larong VR mula sa first-person zombie shooter, hanggang sa tabletop na mga larong may estratehiya kung saan literal mong iniaabot at inililipat ang mga gamit sa laro, hanggang sa pag-upo sa cockpit ng trak o spaceship at pagkontrol gamit ang iyong sariling kamay. Halos anumang FPS game ay maaaring gumana bilang larong VR, basta may kaunting pagbabago.
May mga VR game bang puwedeng laruin nang nakaupo?
Oo. Maraming laro ang hinahayaang umupo ang mga player at maglaro. May mga larong talagang ginawa para sa VR, tulad ng mga sasakay sa jetpack, spaceship, o sasakyan. Kung ang laro ay may mga kontrol sa loob ng mundo, gaya ng mga lever o manibela, madalas ay nakapuwesto ito sa madaling abutin.
Pero unti-unti na ring natututo ang mga developer na gumawa ng mga tamang larong action, gaya ng mga first-person shooter, na maaaring laruin nang nakaupo at mararanasan pa rin ang parehong kontrol na nararanasan ng mga nakatayo at gumagalaw. Ang mga motion control ay may mga pindutan at joystick, at maaaring iutos ang pagyuko at pag-ikot sa mga kontrol nang hindi na kailangang mismong gawin ng player ang aksyon sa tunay na buhay.
May mga VR game bang puwedeng laruin sa PC?
Oo. Ang mga modernong VR game ay nagsimula bilang laro lang sa PC. Bagama’t may ilan nang hardware setup na hindi nangangailangan ng PC, karamihan sa mga VR game ay maaaring laruin sa PC.
May mga VR game bang puwede kong laruin gamit ang keyboard at mouse?
Oo. Halos lahat ng laro ay mas maganda kung gagamit ng motion control, joystick, o joypad. Maaaring gumamit ng keyboard ang mga player para igalaw ang karakter sa loob ng laro. May ilang laro ding gumagamit ng mouse para makapili ng menu o makipag-ugnayan sa mga bagay sa screen, pero hindi gaya ng mga first-person game na ginagamit ng player ang mouse para igalaw ang ulo ng karakter. Puwede nilang igalaw lang ang ulo nila sa totoong buhay.
Kailangan ko ba ng VR na kagamitan para malaro ang mga larong ito?
Depende sa laro. Ang ibang laro ay parehong sumusuporta sa VR at hindi VR na mga setup. Hindi pa ito ganoon karami, at may mga eksklusibo lang na laro sa VR na maaari lang laruin gamit ang VR na kagamitan.





























