Mga Laro sa Windows
Inaalok ng Epic Games Store ang ilan sa pinakamagagandang Windows Game. Mag-download na at simulang maglaro ng masaya at nakakasabik na mga Windows Game para sa PC.
FAQ sa mga Windows Game
Ano ang mga Windows game?
Ang mga Windows game ay mga larong tumatakbo sa Windows Operating System. Ang operating system, o OS, ay ang pangunahing programa na ginagamit ng iyong computer. Ang Windows ang isa sa pinakanangunguna sa mga gaming PC. Dahil dito, karamihan sa mga laro ay Windows game.
Ang pinakabagong bersyon ng Windows ay Windows 11, pero ang Windows 10 ay sikat pa rin at nakakatanggap ng suporta (mga update sa seguridad, kritikal na pag-aayos) hanggang 2025.
Maganda ba ang Windows para sa paglalaro?
Dahil ang lahat na laro sa PC ay tumatakbo sa Windows, maituturing itong magandang operating system para sa paglalaro. May ecosystem ito ng mga driver na nagpapagana sa mga laro at ilang programa na maaaring gamitin para mapahusay ang laro. Kadalasan, binubuo ang mga ito ng mga third party, pero halos palagi silang nakatutok sa Windows bilang pangunahing platform. Ganoon din ang hardware. Halos palaging dinidisenyo ito para sa Windows PC, kaya kung naghahanap ka ng pinakasuportadong OS, Windows ang kasalukuyang pinakamahusay.
May mga libreng Windows game ba para sa PC na maaari kong ma-download?
Oo. Ang lahat ng libreng laro sa Epic Games Store ay tumatakbo sa Windows.
May mga Windows game bang may suporta sa controller?
Oo. Ang anumang larong nakalistang may suporta sa controller sa Epic Games Store ay tatakbo sa Windows.
Paano ako makakapag-download ang mga Windows game nang libre?
Maaari kang gumawa ng account sa Epic Games Store at mag-download ng Launcher ng Epic Games Store. Papayagan ka nitong ma-access ang anumang libreng laro sa store, na lahat ay sumusuporta sa Windows.





































