
Balita
Gabay ng Mamimili sa Epic Games Summer Sale: pinakamagagandang deal sa mga laro sa PC
E
Epic Games
Ano ang Epic Games Store Summer Sale 2026?
Isang nagbabagang summer Sale, na may maiinit na laro, magagandang indie, at marami pang iba.Kailan ang Epic Games Store Summer Sale 2026?
Magsisimula ang aming summer sale ng mga laro sa Hulyo 16 sa oras na 11:00 PM GMT+8hanggang Hulyo 30 sa oras na 11:00 PM GMT+8.I-explore ang Epic Games Summer Sale
I-enjoy ang mga highlight na ito habang dinarama ang sikat ng araw.
Resident Evil Requiem
Ginulat ng survival horror series ng Capcom ang lahat sa dalawang bida nito, kasama rito ang pagbabalik ni Leon Kennedy.Habang maingat na nag-iikot ang FBI analyst na si Grace Ashcroft sa isang abandonadong hotel at isang ospital na puno ng lagim, at umiiwas sa isang matangkad, at di-papipigil na mutant stalker, magbabalik naman ang legendary agent na si Leon S. Kennedy sa Raccoon City. Nagtatago si Grace para mabuhay, ngunit direktang lalabanan ni Leon ang mga undead gamit ang mga palakol, baril, at flying kick.
Bilhin ang Resident Evil Requiem sa Epic Games Store at makuha ang Grace Ashcroft Outfit sa Fortnite.
Windrose
PvE open-world survival sa isang alternatibong Age of Piracy. Pamumunuan ng mga player ang mga customizable na barko, makikipagpalitan ng putok ng kanyon bago lumapit para sa mga boarding battle laban sa malulupit na kalabang imperyo at maging sa maalamat na Blackbeard. Bumuo ng matitibay na pamayanan, gumawa ng mga elite na kagamitan, at i-explore ang mga hand-crafted na dungeon para matuklasan ang mga sinaunang misteryo at kumuha ng kayamanan.Cyberpunk 2077
Ang malawak na RPG ng CD Projekt Red ay puno ng mga magkakaaway na gang, mga makapangyarihang korporasyon, at mga taong nagsisikap na mabuhay sa kabila ng lahat ng ito. Bilang si V, galugarin ang mapanganib na kalye ng Night City, palakasin ang sarili gamit ang cyberware at harapin silang lahat. Mula sa mga patalim na lumalabas sa iyong mga braso, hanggang sa mga upgrade na nagpapabagal ng oras, itutulak ka ng mga pagbabago sa iyong katawan sa sukdulang limitasyon ng pagkatao ni V, na siyang pipilit sa iyong laging pagbalansehin ang kapangyarihang cybernetic at kahinaan ng tao.Bilhin ang Cyberpunk 2077 sa Epic Games Store at makuha ang Adam Smasher Outfit at Shoulder Cannon Backbling sa Fortnite bilang bonus na item!
Cronos: The New Dawn
Ang Cronos: The New Dawn ay isang survival horror game mula sa Bloober Team na pinagsasama ang sci-fi sa madilim na kasaysayan ng Poland noong dekada 1980. Itinakda sa brutalist architecture ng Kraków, isa itong bangungot na alternatibong kasaysayan kung saan ang isang nagmu-mutate na salot ay lumilikha ng mga nakakatakot na halimaw na tinatawag na mga Orphan. Kokontrolin ng mga player ang Traveler, isang walang mukhang bida na naglalakbay sa oras at nakasuot ng Soviet-era na diving suit. Tampok ang tactical combat at isang "cassette futurism" aesthetic, inihahatid ng Cronos ang kakila-kilabot at salat sa resource na labanan para mabuhay.Bilhin ang Cronos: The New Dawn sa Epic Games Store at makuha ang Traveler Outfit sa Fortnite.
ARC Raiders
Ang extraction shooter ng Embark ay higit pa sa isang matinding labanan para sa loot. Oo, maaaring maglaban ang mga player habang umiiwas sa nakamamatay na mga ARC machine na pagala-gala sa mundo, ngunit may mabubuting tao pa rin na nangangalap ng mahahalagang bakas ng sibilisasyon rito, kaya't isa ang Speranza sa pinaka-sociable na mga apocalyptic na mundo na iyong maeengkuwentro.Bloons TD 6
Ang matagal nang tower defense series kung saan magtatayo ang mga unggoy ng depensa laban sa dagsa ng mga lobo (Bloons) ay ang tipo ng uncontrolled chaos na patuloy na nagpapabalik sa mga player sa loob ng maraming taon. May mahigit 70 mapa para sa mga solo o co-op player, at sandamakmak na upgrade sa kada laro, maging master ng isang cartoonishly OTT monkey army at paputukin ang mga airship ng kalaban.Sa pagbili ng Bloons TD 6 o isang kwalipikadong item sa Epic Games Store (PC o Mobile), mabibigyan ka ng Dart Monkey Sidekick sa Fortnite.