Mga Indie na Laro

Mag-download at maglaro ng mga Indie game mula sa Epic Games Store. Inaalok namin ang ilan sa pinakamagaganda at pinakanakakasabik na Indie game.

FAQ sa Mga Indie Game

Ano ba ang indie game?

Ang indie game (independiyenteng laro) ay karaniwang ginagawa o pina-publish ng maliit na team ng mga developer na walang malaking badyet, kadalasan sa labas ng mga pangunahing kompanyang nagpa-publish ng laro. Gayunman, maaari silang maging anumang genre o anumang laki ng laro, at puwede nilang kalabanin ang mga larong AAA na pinondohan nang husto. Ang ilan sa pinakamalaki, pinakakilalang laro sa mundo ay ginawa ng mga independiyenteng developer.

Nag-aalok ba ang Epic Games Store ng mga libreng indie game?

Oo. Sa pag-click sa tag na “libre” sa kasalukuyang page, makikita mo ang lahat ng libreng indie game sa loob ng Epic Games Store. Dadalhin ka rin ng link na ito sa lahat ng libreng indie game na na-tag namin sa Epic Games Store.

Tuwing Huwebes, ina-update namin ang aming page na Mga Libreng Laro na may mga kapana-panabik na larong magagamit mo magpakailanman. Namimigay kami ng lahat ng uri ng mga laro, kabilang ang mga indie game

May maramihang player na indie game ba para sa PC?

Oo. Maaari mong piliin ang tag na "maramihang player" sa kasalukuyang page na Mag-browse para makahanap ng mga maramihang player na indie game sa loob ng store. Dadalhin ka rin ng link na ito sa lahat ng libreng indie game na na-tag namin sa Epic Games Store.

May mada-download bang mga indie game sa Epic Games Store?

Oo, may daan-daan kaming indie game na mada-download mo.

* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento