Artikulo

Epic Games Review ng Linggo: Dumating na ang Top Gun sa Battlefield, mga update sa S.T.A.L.K.E.R. 2, ibinunyag ang LEGO Batman DLC, I-wishlist ang Kingdom Hearts 4, at kunin ang Cardpocalypse nang libre.

C
Craig Pearson
Ago 21, 2026

Epic Games Pagsusuri ng Linggo | Kingdom Hearts IV | Battlefield 6 🤝 Top Gun | S.T.A.L.K.E.R. 2 DLC | LEGO Batman DLC | Libreng Cardpocalypse 

Bumalik kami para itampok ang ilan sa mga anunsyo, DLC, update at higit pa ngayong linggo sa Epic Games Store! 

I-wishlist na ang Kingdom Hearts IV!

Ang action RPG na may napakaraming Disney character at mundo ay magbabalik sa 2027, at pwede mo itong i-wishlist ngayon sa Epic Games Store.

Maglaro bilang si Sora—at iba pang sikat na character gaya nina Mickey Mouse, Donald Duck, at Goofy—na sinusubukang tumakas mula sa Quadratum. Ibinunyag ng pinakabagong pasilip sa Kingdom Hearts IV na magkakaroon ng mundong base sa Coco ng 2017, habang ipinapakita ang iba't ibang gameplay segment ni Mickey. Enjoy!

Tamang-tama ang oras na ito para makita ang mga nauna, at magagawa mo 'yan sa aming kumpletong gabay sa series

Nakuha ng Battlefield 6 ang Top Gun status at ibinalik ang Wake Island

Mayroon talagang perfect collab: yayakapin ng pinakabagong mid-season event ng Battlefield 6 ang Top Gun: Maverick ng 2022. Handog ng crossover ang mga iconic na character at hardware mula sa pelikula patungo sa laro, at bubuo ito ng mga game mode sa mga classic na dogfight at dambuhalang carrier. 

Ayon sa Electronic Arts: "Lumipad gamit ang F/A-81F Super Spectre at F-74A Seacat, dalawang bagong two-seat fighter jet na ginawa para sa mga piloto at kanilang mga wingman. Maglaban sa kalangitan sa Top Gun: Carrier Strike at Gauntlet: Fighter Sweep."

Sa usaping classic, dumating na sa wakas ang Wake Island sa Battlefield 6, kasama ang tatlo pang mapa. Kasama sa walang katapusang laban sa Pacific ang kadaragdag na naval armory para sa all-out war. Makipaglaban sa lupa, sa himpapawid, at sa karagatan.

Magtatagal ang Battlefield 6 🤝 Top Gun event hanggang Set. 15. 


Papasukin pa nang mas malalim ng S.T.A.L.K.E.R. 2: Cost of Hope ang Chornobyl

Inilabas ang unang pangunahing expansion ng S.T.A.L.K.E.R. 2 noong Ago. 20. Ibinunyag ng developers na GSC: "'Yong matagal nang hidwaan sa pagitan ng mga nangungunang faction ng Zone — ng Duty at Freedom — magkakaroon 'yon ng matinding pagbabago. Habang tumataas ang tensyon at nagsisimulang bumigay ang marupok na kapayapaan sa pagitan nila, malalagay sa alanganin ang kapalaran ng Zone."

Ikaw pa rin ang gaganap bilang si Skif, at malalaro ang dose-dosenang oras ng bagong content kasama ang pangunahing laro. Kasama sa DLC ang mga bagong armas, lokasyon, anomaly, at mutant. 


Naitaas din ang S.T.A.L.K.E.R. 2 sa 2.0, na may malalaking pagbabago sa laro. Upgraded na ang graphics, mas may variety na at mas maganda na ang pag-unawa sa mundo ng A-Life, may ilang bagong difficulty slider para sa mas fine-tuned na experience, mas maraming armas at scopes, binoculars (!), at mahamog na panahon na maaaring dumating at balutin ang iyong mga pandama. 

Naka-sale ang buong catalogue ng S.T.A.L.K.E.R. hanggang Ago. 31, 2026.


Lalabas ang LEGO Batman: Legacy of The Dark Knight - Mayhem Collection DLC sa Set. 18

Maghasik ng kaguluhan sa mga lansangan ng Gotham City sa Mayhem Collection. Kasama sa DLC ang isang bagong story mission kung saan nakatakas sina The Joker at Harley Quinn mula sa Arkham Asylum, kaya't magiging controllable na mga character sila. 

Narito ang unang pasilip sa art ng laro.

Kunin ang Deluxe Edition, o ang Deluxe Edition Upgrade para makapaghanda sa kaguluhan. 

Libre ang Cardpocalypse sa Epic Games Store Ago. 20 - 27, 2026

Ang libreng laro ngayong linggo ay Cardpocalypse! 

Makipagkaibigan, maglaro ng cards, baluktutin ang mga patakaran, maging master ng Mega Mutant Power Pets, at subukang iligtas ang mundo sa single-player RPG na ito tungkol sa pagiging 90's kid. Sa kanyang unang araw sa Dudsdale Elementary, aksidenteng naipagbawal ng 10-taong-gulang na si Jess ang paboritong collectible card game ng lahat, kaya napilitan ang mga bata na isagawa ang kanilang mga card battle nang patago. Susulpot ang mga problema oras na sakupin ng mga mutant mula sa laro ang totoong mundo, at nakasalalay kay Jess at sa mga kaibigan niya na mapigilan sila.


Enjoy! Magkita-kita tayo sa susunod na linggo. 

Mga Kaugnay na Link
Onimusha: Way of the Sword: play the demo, explore the history, and prepare for the Sept 4 release
Onimusha: Way of the Sword: play the demo, explore the history, and prepare for the Sept 4 release
Star Wars Zero Company hands-on: Attack Astromechs, permadeath, and delightfully fatal Rube Goldberg tactics
Star Wars Zero Company hands-on: Attack Astromechs, permadeath, and delightfully fatal Rube Goldberg tactics
College Football 27 brings back Mascot Mashup
College Football 27 brings back Mascot Mashup