Mga RTS na Laro

Inaalok ng Epic Games Store ang ilan sa pinakamagagandang RTS game. Mag-download na at simulang maglaro ng masaya at nakakasabik na mga RTS game.

FAQ sa mga RTS Game

Ano ang mga real-time na mga larong may estratehiya?

Ang mga real-time na mga larong may estratehiya, o mga RTS game, ay mga larong may taktikal na labanan kung saan ang papel ng player ay maging komandante na gumagawa ng mga desisyon para sa kanilang tropa sa aktwal na oras. Mula sa pananaw sa itaas, ginagabayan ng player ang isang hukbo ng mga unit sa mapa. Patuloy ang daloy ng aksyon sa buong labanan, kaya kailangan ng mabilisang pagdedesisyon ng player pagdating sa estratehiya, mga resource, at iba pa habang nagpapatuloy ang laban.

Karaniwan, nakatuon ang real-time na mga larong may estratehiya sa paghahanda para sa laban at, kalaunan, sa aktwal na pakikipaglaban. Kadalasang kailangan ng player na bumuo ng hukbo para sa bawat laban. Ang mga unang yugto ng laro ay maaaring magsimula sa pangangalap ng resource at pagtatayo ng base. Dapat mabilis makuha ng mga player ang mga lupang mayroon o malapit sa mga materyales na magagamit para magtayo o magbayad para sa iyong base o mga unit. Ang laki at komposisyon ng iyong hukbo ay direktang maaapektuhan ng laki ng base at mga gusaling itinayo. Kailangan ng mga gusali para maglabas ng mga partikular na unit sa laro bilang suporta sa iyong mga taktika, kaya kailangan mong magtayo ng barracks para makapaglabas ng mga sundalo o garahe para sa mga sasakyan. Ang mga desisyong ito ay gagawin sa buong labanan habang ang mga player ay aakma sa patuloy na pagbabago ng kondisyon sa labanan. Madalas, maaaring i-upgrade ang mga gusali para makagawa ng mga unit nanang mas mabilis o nang may mas malakas na epekto.

Habang nasa labanan, kailangang gabayan ng player ang mga unit sa buong mapa, ilagay sila sa mga posisyon na mas magagamit ang kanilang mga kakayahan. Kailangang pagdesisyunan ng player kung saan ilalagay ang mga unit at bantayan kung kumusta sila sa laban. Ang mga unit na inilagay ay aatake o dedepensa laban sa anumang malapit na kalaban. Patuloy silang makikipaglabanan anuman ang mangyari, kaya nasa player ang pasya kung kailangan nila ng suporta, kailangan bang lumipat sa ibang posisyon, o umatras.

Ang pag-upgrade ay malaking bahagi ng mga RTS game. Mula sa mga base hanggang sa mga unit, kailangan ng mga player na magdesisyon kung anong teknolohiya ang kakailanganin habang nagaganap ang labanan. Karaniwan, nangangailangan ito ng mga resource at pagsasaliksik, na paraan para matiyak na hindi mapapabilis ang pag-upgrade. Ang pag-upgrade ay nagpapahintulot sa mga player na magdagdag ng lakas, bilis, o magdala ng mga bagong unit sa laban. Ito ang madalas na pagkakaiba sa pagitan ng pagkapanalo at pagkatalo.

Ang mga mapa kung saan nagaganap ang mga labanan ay magsisilbing inspirasyon sa mga taktikang gagamitin ng player. Ang mga kapaligiran ay maaaring magbigay ng panangga, mga positibo o negatibong buff, at iba pa. Iba’t ibang unit ang kinakailangan sa desyertong lugar kumpara sa isang gubat, latian, o lungsod. Maaaring idaan ang tangke sa mga kalsada ng siyudad at bukas na mga bukirin, pero kapag dumaan sa latian, babagal ito.

Sa kabuuan, ang mga RTS game ay nangangailangan ng mabilis na pag-iisip mula sa mga player at ng kakayahang mangasiwa ng malaking bilang ng unit sa mga mahahabang laban.

Ano ang ibig sabihin ng RTS?

Ang RTS ay nangangahulugang real-time na mga larong may estratehiya.

Bakit masayang maglaro ng mga RTS Game online?

Kapag nakikipaglaban sa ibang player, nagkakaroon sila ng personal na diskarte sa mga desisyong gagawin nila. Ang AI ay nakabase lang sa mga taktikang na-program dito, kaya laging may limitasyon. Samantalang ang mga tao ay maaaring magkaroon ng nakakagulat at kakaibang diskarteng kailangan mong isaalang-alang. Kahit ang mga beteranong player ng RTS ay maaaring mahirapan laban sa baguhang player na may bagong diskarte sa taktika at aksyon.

Mahirap bang laruin ang mga RTS Game?

Posible nga. Kailangan ng player ng malalim na pag-unawa sa maraming impormasyon, at kakayahang mabilis umangkop kapag may hindi inaasahang pangyayari o biglaang pagkakataon. Pero karamihan sa mga laro ay may mga mahihirap na antas na nakakaapekto kung paano maglaro ang kalaban at ang kabuuang lakas nito.

Ginagawa mo ba ang pamamahala ng mga resource, gusali, at tao sa RTS Game?

Oo. Lahat ng ito ay bahagi ng karamihan sa mga RTS game, kung saan kailangan ng mga resource para makapagtayo ng base at mga gusali, at mga gusali naman para makapaglabas ng mga tauhan o iba pang unit.

Aling uri ng PC RTS Game ang nariyan?

May ilang tema na maaaring kunin ng mga RTS game. Ang mga larong may estratehiya sa militar ay nakatuon sa mga tunay na labanan, unit, at taktika. Maaaring maging makasaysayan ang mga ito, na nakatuon sa mga sinaunang labanan na may limitadong teknolohiya, o modernong labanan, na may mga tangke, baril, at iba pa. May mga nakabatay rin sa fantasy na RTS game, kung saan ginagamit ang mga mitolohikal na nilalang sa labanan, at mahiwaga ang mga armas. Patok din ang mga sci-fi RTS game, dahil kaya nilang magpakita ng mga kamangha-manghang epekto mula sa mga high-tech na unit. Mga laser!

* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento