Mga Turn Based na Laro
Mag-download at maglaro ng Mga Turn Based game mula sa Epic Games Store. Nag-aalok kami ng ilan sa pinakamagaganda at pinakanakakasabik na Turn Based game.
FAQ sa mga Turn-based Game
Ano ang turn-based game?
Ang turn-based na mga video game ay mga larong hinahati ang gameplay nang salitan, kung saan ang mga player ay tumitira habang nilalaro ang laro. Ang ganitong uri ng gameplay ay matatagpuan sa mga larong may estratehiya, partikular sa turn-based strategy – na kilala rin bilang TBS game – at mga turn-based tactical game – na kilala rin bilang TBT game. Pero may mga video board game din, role-playing game, adventure game, at iba pang genre na gumagamit ng ganitong uri ng laro.
Maaari ba akong maglaro ng mga turn-based game kasama ang mga kaibigan?
Oo, maaari kang maglaro ng turn-based game kasama ang mga kaibigan. Iyon ang pinakamahusay na paraan para laruin ang mga larong ito. Dahil turn-based ang mga ito, hindi lang nila kadalasang sinusuportahan ang paglalaro online, kundi maaari din nilang suportahan ang local o couch play, kung saan maaaring magsalitan ang mga player sa paglalaro sa parehong computer.
May mga turn-based game bang may paglikha ng karakter?
Oo, may mga turn-based game na may may paglikha ng karakter. Dahil matatagpuan ang mga turn-based game sa iba't ibang genre, makakakita ka rin ng mga turn-based game na sumusuporta sa paglikha ng karakter. Partikular sa mga role-playing game, madalas itong may kasamang paglikha ng karakter.
Gaano kasikat ang mga turn-based game para sa PC?
Napakasikat ng mga turn-based game para sa PC. Ilan sa mga pinakamabentang laro sa PC ay turn-based o may bahagi ng gameplay na turn-based. May paboritong larong patuloy nilang nilalaro ang mga player ng turn-based game. Ang pagganap bilang pinuno ng mga bansa na layuning palawakin ang kanilang teritoryo sa buong mundo ay nangangailangan ng matinding oras at maingat na pagpaplano, kaya may mga single save na tumatagal ng ilang buwan o kahit taon.
Ano ang turn-based na labanan?
Sa turn-based na labanan, direkta mong pamamahalaan ang ilang unit sa labanan, isang hakbang sa bawat pagkakataon. Isipin mo kung paano pumipili ang player sa Chess ng isang unit sa board, inililipat ito, saka ibinibigay ang board sa kalaban para sa kanilang tira. Kailangan mong maghintay. Ang turn-based na labanan ay kagaya nito, pero may posibilidad na makagawa ka ng maraming galaw bago pa makaresponde ang iyong kalaban sa parehong paraan.
Ang mga turn-based game ay nilalaro sa mga antas na may grid, kung saan ang bawat hugis ng grid (karaniwa’y parisukat o hexagon) ay kumakatawan sa isang hakbang para sa mga karakter na iyong kinokontrol. Bawat unit ay magkakaroon ng ilang puntos na maaari nilang gamitin bilang pag-atake, pag-buff, o paggalaw sa ilang grid. Sa mga turn-based na labanan, ilalagay mo ang iyong mga karakter sa tamang posisyon sa grid at kapag nasa tamang lugar na sila, maaari ka nang umatake. Maaaring hindi ito mangyari sa parehong tira, dahil may limitasyon ang mga hakbang at atake. Kapag nailipat at naatake mo na ang lahat ng iyong unit, tatapusin mo na ang iyong tira at patitirahin naman ang iyong kalaban. Ang laban ay awtomatikong mangyayari ayon sa iyong mga estratehiya sa pag-atake. Ang panalo sa laban ay ang panig na may pinakamaraming natitirang player.







































