Mga Turn Based na Estratehiyang Laro
Nag-aalok ang Epic Games Store ng ilan sa pinakamagagandang Turn Based Strategy game. Mag-download na at simulang maglaro ng masaya at nakakasabik na mga Turn Based Strategy game.
FAQ sa mga Turn Based Strategy Game
Ano ang mga turn-based strategy game?
Ang mga turn-based strategy game ay mga pinag-isipang mga larong may estratehiya kung saan ang mga player ay magsasalitan ng sunod-sunod na paggalaw ng mga indibidwal na unit sa halip na batay sa tunay na oras. May oras ang bawat player para pag-isipan ang bawat galaw, para sa pagpaplano at paghahanda. Ang chess ay isang turn-based strategy game, pati ang ang mga klasikong board game. Ang mga turn-based strategy game para sa PC ay maaaring may mas maraming unit, mas maraming tira, iba’t ibang mapa, at tema, pero ang mga tradisyonal na board game ang kanilang inspirasyon.
Sa larong may dalawang player, bawat player ay may mga unit na puwedeng galawin. Tutugma ang mapa ng laro sa tema, na maaaring wargame na hango sa tunay na labanan sa kasaysayan o sci-fi na labanan kung saan ang mga alien ay lumapag at tinatangkang sakupin ang mga kalsada. Ang mga mapa ay may grid, maaaring parisukat o hexagonal, na kailangang sundin ng mga player. Makakatulong ito sa bawat player na maintindihan ang distansya at anggulo na pagmumulan ng galaw at atake.
Titira ang bawat player. Karaniwan, may partikular na bilang ng mga action point (AP) ang bawat unit na magagamit, at ang bawat galaw, pag-atake, o depensa ay may katumbas na halaga sa mga action point na ito. Nasa player ang pagpapasya kung paano babalansehin ang mga ito ayon sa laban. Puwede niyang ilipat ang posisyon ng unit sa mas magandang posisyon, na tinatapos ang tira nang hindi nakikipaglaban. May maraming unit na kailangang pamahalaan ang player at kakailanganin niyang gumawa ng maraming galaw kada tira. Kapag tapos na silang tumira, kailangan nilang maghintay na kumilos ang kalaban, at panoorin ang magiging resulta ng kanilang reaksyon.
Ang kilos ng mga unit ay nakabatay sa kanilang klase. Ang paglalagay ng mga malapitan na unit sa tabi ng grid na may kalaban ay malamang magdudulot ng pag-strike. Ang isang sniper unit ay maaaring ilagay sa mas mataas na lugar at umatake mula sa malalayong distansya. Sa bawat tira, isasaalang-alang ang bawat atake ng unit at stat ng depensa. Kaya kung ang iyong malapitang unit ay may limang puntos ng pinsala, at ang dumedepensa ay may natitirang apat na puntos lang, halos tiyak na matatalo mo ang unit na iyon. May mga laro ring mas hindi tiyak ang kinakalabasan, minsa’y pinapahintulutan ang suwerte o pagkakataong magtakda ng lakas ng pinsala, o kaya’y magdulot ng pagkakamali at hindi tatatama ang atake.
Ang mga turn-based strategy game ay nilalaro nang mas mabagal kumpara sa mga RTS game. Ang ilang campaign ay maaaring tumagal ng ilang araw habang isinasaalang-alang ng bawat player ang labanan at ang pangkalahatang digmaan na kailangang labanan, at maaari pa itong laruin sa pamamagitan ng email. Ang pasensya ay isang mahalagang elemento ng mga turn-based strategy game.
May mga turn-based strategy game bang may pag-customize ng karakter?
Oo. Sa katunayan, isa sa mga pinakasikat na laro sa serye ay nagpapahintulot sa iyong pangalanan at idisenyo ang iyong mga unit, na nagiging kakila-kilabot kapag nawala ang mga ito sa labanan.
Lahat ba ng turn-based strategy game ay may kinalaman sa labanan o digmaan?
Ang mga classic na laro ay mga abstract game kung saan walang tunay na karahasan. Halimbawa, ang chess ay simpleng paggalaw ng mga piyesa sa board, nang walang direktang laban o karahasan. Inaalis mo lang ang mga piyesa mula sa board.
Kailan naimbento ang mga turn-based strategy game?
Ang mga PC turn-based strategy game ay malamang na naimbento noong dekada 1970 nang magsimulang gumawa ng mga digital na bersyon ng chess para sa mga elektronikong device na maaaring tawaging PC, bagamat hindi mo makikilala ang mga ito kumpara sa mga modernong sistema ngayon.


















