Mga Sports na Laro

Mag-download at maglaro ng mga SPORTS game mula sa Epic Games Store. Nag-aalok kami ng pinakamagaganda at pinakanakakasabik na SPORTS game.

FAQ sa mga Sports Game

Ano ang mga sports game?

Ang mga sport tulad ng football, soccer, golf, at racing ay ginawang mga video game. Iba-iba ang kanilang anyo. Maaari kang maging isang player sa laro o manager na namamahala sa buong team. Ang ilang sport ay dinala sa mga bagong arena, kung saan maglalaro ka ng golf sa post-apocalyptic na mundo. Ang ilan sa mga sport ay hindi pa umiiral sa totoong mundo. Pinaghalo ng Rocket League ang soccer at mga kotse sa bagong sport na puwede mong ikatuwa.

May mga libreng sports game bang puwedeng ma-download sa Epic Games Store?

Oo. Maaari mong piliin ang tag na “Libre” sa Browse page para makahanap ng mga libreng sports game sa store. Ang link na ito ay magdadala sa iyo sa mga Libreng Sports Game na na-tag namin sa Epic Games Store.

Maaari ka bang maglaro ng mga sports game para sa PC?

Oo. May iba't ibang uri ng totoong sports na puwede mong laruin sa PC at ilang gawa-gawang laro. Maaari kang maging soccer player, manager ng baseball, o American football star. Magmaneho bilang kareristang driver sa iba’t ibang uri ng karera (track at off-road). May skateboarding din at iba pang extreme sport, tulad ng snowboarding at skiing. At pagkatapos ng lahat ng iyan, magpahinga at mangisda sa hapon.

Ano ang mga pinakasikat na uri ng sports game?

Ang soccer ang pinakasikat na sport sa buong mundo, at ang pinakamabentang sports game sa buong panahon ay isa ring soccer game. Sikat din ang mga larong American football at skateboarding.

* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento