Mga Aksiyong Laro
Iniaalok ng Epic Games Store ang ilan sa pinakamagagandang Aksiyong Laro. Mag-download ngayon at magsimulang maglaro ng mga masaya at nakakasabik na aksiyong laro.
FAQ sa Mga Aksiyong Laro
Ano ba ang mga aksiyong laro?
Ang aksiyong laro ay isang kategorya ng laro kung saan ang mga aksiyon at galaw ng player ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin. Sinasaklaw nito ang isang hanay ng mga genre, mula sa mga laro sa platform (Magbubukas ng bagong tab) hanggang sa mga shooter (Magbubukas ng bagong tab) o mga laro ng pakikipaglalaban (Magbubukas ng bagong tab) at marami pang iba. Kung pakikilusin mo ang karakter, na real-time na gumagalaw at tumutugon sa mga hamon ng laro (pag-akyat, pagtalon, pakikipaglaban), isa itong aksiyong laro.
Sa pangkalahatan, binibigyang-daan ng aksiyong laro ang player na kontrolin ang mga galaw at pisikal na reaksiyon ng karakter sa loob ng isang antas. Puwede itong side-scrolling na laro sa platform, kung saan ginagabayan ang player sa antas para mangolekta ng mga item at makipaglaban sa mga kaaway. Sinusundan ng first-person shooter ang mga katulad na hamon ng pagkilos at aksiyon, pero tinitingnan ito mula sa pananaw ng karakter, kaya nagiging mas malaking bahagi ng laro ang pagpuntirya. Ang third-person na aksiyong laro ay karaniwang magtutuon sa mga labo-labong pag-atakeng gamit ang mga eksaheradong galaw. Malaki ang pagkakaiba ng hitsura at pakiramdam ng lahat ng larong ito, pero itinuturing pa ring mga aksiyong laro ang mga ito.
Kadalasang nangangailangan ng mga tumpak at mabilis na reaksiyon ang mga hamon sa mga aksiyong laro. Ang simpleng pagpuno sa isang lugar ng mga kalaban at pagpapakita ng baril sa player para barilin sila ay ang pinakasimpleng pakahulugan ng aksiyong laro, at may ilang magagandang larong gumagawa nito. Kadalasang mga mapanghamong arena ang mga ito kung saan kinakailangan ang kaalaman sa lugar, mga pattern ng pag-atake ng kalaban, at mga pag-upgrade. Ang mga ito rin ang perpektong lugar para boss battle, na karaniwang nasa genre ng askiyong laro. Ang mga boss battle ay mga nakakahikayat na sandali kung saan ang isang bagong uri ng kalaban, na mas malaki, mas malakas, o mas mabilis kaysa mga karaniwang kalaban, ay magbibigay sa player ng natatangi at mahirap na laban, kung minsan sa loob ng ilang yugto.
Marami ring aksiyong larong walang baril. May mga larong kung saan nakikipagkarera ang player sa pasilyo, at umiiwas siya sa mga bitag at pag-atake. May mga larong kung saan kailangan mong magtago mula sa mga kaaway habang nagpa-patrol sila, at maghihintay ka ng tamang sandali para tumakas o umatake.
Maraming modernong aksiyong larong nagbibigay-daan sa player na tukuyin ang kaniyang estilo ng paglalaro. Magkakaroon ang mga karakter ng mga kasanayan at stats na pipiliin ng player, na tinatawag na 'build,' at ito ang magiging kaibahan ng kaniyang avatar mula sa iba pang player. Puwede kang gumawa ng karakter na may stats na pangunahing nakasalalay sa lakas, na magbibigay-daan sa iyong gumamit ng malalaking armas at makipaglaban. O puwede kang gumawa ng maingat na karakter, kung saan nagbibigay sa iyo ng kalamangan ang iyong stats at armas kapag lumilipat ka sa mga antas. Puwedeng magkaroon ng kakaibang build ng karakter ang parehong laro, depende sa player.
Kailangan ko bang mag-download ng mga aksiyong laro sa aking PC?
Oo, at puwede mong gamitin ang Epic Games Store Launcher para gawin iyon. Kailangan mong gumawa ng account at i-download ang launcher. Kapag handa na ang dalawang ito, puwede mong gamitin ang launcher para i-download ang laro sa computer sa hard drive ng iyong PC at i-launch ito mula roon.
Bakit napakasikat ng mga aksiyong laro sa PC?
Naghahatid ang mga aksiyong laro para sa mga PC ng masasayang hamon para sa mga player na may iba't ibang kasanayan. Wala partikular na genre ang mga ito, kaya malawak ang hanay ng mga game na available para laruin ng mga tao. Puwede silang maging mga sinaunang assassin o modernong sundalo. Ang mga tema ay puwedeng maging kasing simple ng pagbaril ng mga demonyo, o puwedeng magsalaysay ang laro ng detalyadong kuwentong maraming pakulo, desisyon ng player, at metapora.
Mayroon bang mga aksiyong game na malalaro kasama ang mga kaibigan online?
Mayroon. Maraming aksiyong game na puwedeng laruin kasama ang mga kaibigan online. Puwede kang maglaro ng mga cooperative na laro o kahit mga versus na laro kasama ang mga kaibigan.
Mayroon bang pag-customize ng karakter ang ilang aksiyong laro?
Ang karamihan ng modernong aksiyong laro ay may elemento ng pag-customize ng karakter. Puwede mong piliin ang iyong kasarian, hitsura, at higit pa. Ang ilan ay may mahirap na skill tree na sumasaklaw sa bawat aspeto ng pag-usad ng karakter, na nagbibigay-daan sa iyong gumawa ng estilo ng paglalarong natatangi sa iyo.
Mayroon bang mga panuntunan sa pagbuo ng base ang ilang aksiyong laro?
Oo, mayroon ang ilan. Mga aksiyong laro ang mga survival na laro, at karaniwang hinihingi ng mga ito sa player na gumawa at magpanatili ng base para manatiling buhay.





































