Mga Party na Laro

Inaalok ng Epic Games Store ang ilan sa mga pinakamagagandang Party Game. Mag-download na at simulang maglaro ng masaya at nakakasabik na mga Party video game para sa PC.

FAQ sa mga Party Game

Ano ang mga party game?

Ang mga party game ay mga maramihang player na video game. Maaaring laruin ang mga ito online o nang magkasama sa iisang lugar. May casual itong kapaligiran, kung saan nagkakatipon ang mga tao para magsaya, kahit na kasama sa laro ang paligsahan laban sa isa’t isa.

Maraming iba’t ibang uri ng party game. Ang ilan ay parang game show, kung saan nagsisiksikan ang mga player sa iisang silid, minsan ay magkakatabi pa sa isang sofa at sumasagot sa mga tanong o gumagawa ng mga gawaing inuutos ng laro. Ang panalo ay maaaring ang player na pinakamabilis sumagot o ang may pinakamataas na puntos. Masayang talunin ang katabi mo sa laro, lalo na kapag puwede mong ipagyabang ang panalo.

May ilang party game na binubuo ng iba’t ibang mini-game, kung saan bawat player ay may sariling controller at sabay-sabay silang naglalaro sa iisang screen. Ang pinakamadali sa mga ito ay ang mga arena fighting game, kung saan maglalaban-laban ang ilang karakter. Sa natatanging kapangyarihan ng bawat karakter, ang labanang may maraming player ay maaaring maging napakagulo pero sa masayang paraan. Maraming laro ang naglalaman ng lisensyadong karakter na pagpipilian, na mas nagpapasaya ng laro.

Pero hindi lang ito puro tungkol sa labanan. Maaaring iba-iba ang tema ng mga party game tulad ng pagluluto ng mga nakakatawang putahe sa kusina o pagdaan sa mga obstacle course. Bahagi ng kasiyahan dito ay kung gaano ka-random ang pagkapanalo o pagkatalo sa ganitong mga laro. Madaling isipin na ikaw na ang mananalo, pero dahil sa dami ng nangyayari at iba-iba ang ginagawa ng bawat player, puwedeng mawala ang focus mo sa pinakamahalagang sandali.

Isa sa mga bagong twist sa mga party game ay ang gameplay ng pag-arte ng mga player bilang mamamatay-tao at mga biktima. Kailangang itago ng mamamatay-tao ang kanyang pagkakakilanlan habang palihim na pumapatay, habang sinusubukan ng mga biktima na tukuyin kung sino ang salarin. Napakasaya ng mga ganitong laro. Nakakatuwang lituhin ang mga biktima para mapagbintangan nila ang maling player, o kaya ay magtulungang mahulaan kung sino ang tunay na salarin.

May mga party game bang malalaro online sa PC kasama ang mga kaibigan?

Oo. Maraming uri ng party game ang maaaring laruin online sa halip na magkakasama sa iisang lugar. Mas masaya ang mga deduction game kapag online, dahil mas madali mong maitago ang mga galaw mo.

Ano ang nagpapasaya sa party game?

Madalas puno ng magkakaibigan ang mga party game, at ang nakakatuwang tipunin ang mga kaibigan para maglaro ng mga game. Maaari mong ipakita ang iyong kaalaman o kakayahan nang personal sa lahat. Masayang manalo sa harap ng mga kaibigan, pero hindi katapusan ng mundo ang matalo, kung naging masaya ka naman.

Paano ko mahahanap ang mga libreng party game para sa aking computer?

Kung may libreng bersyon ng larong nakalista sa Epic Games Store, maaari kang gumawa ng account at mag-download ng launcher para idagdag ang demo sa iyong game library. Magsaya!

May mga offline party game ba para sa PC?

Oo. Maraming klase ng mga party game para sa PC, kabilang ang mga offline na laro.

* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento