Mga Rogue-Lite na Laro
Inaalok ng Epic Games Store ang ilan sa pinakamagagandang Rogue-Lite Game. Mag-download na at simulang maglaro ng masaya at nakakasabik na mga Rogue-Lite Game.
FAQ sa mga Rogue-Lite Game
Ano ang Roguelike at mga Roguelite Game?
Ang mga roguelike game, na minsan ding tinatawag na rogue-lite, ay naging hiwalay na genre nitong mga nagdaang taon. Ang termino ay nagmula sa pangalan ng isang ASCII game mula noong 1980, na tumulong sa pagpapasimula ng isang uri ng laro kung saan ang mga player ay papasok sa isang dungeon na ginawa ayon sa pamamaraan at sisiyasatin ito para sa loot.
Maituturing bilang roguelike ang maraming larong gumagamit ng mga elementong mula sa orihinal na laro, tulad ng procedurally generated na mga mapa, random na loot, turn-based na mga kontrol, grid-based na galaw ng player, perma-death (ang pagkamatay ng karakter at pagkawala nito magpakailanman, walang pagbabalik), at dungeon crawling. Bagama't nagsimula bilang mga larong may temang pantasya, ang mga roguelike ay maaari nang itakda sa iba’t ibang lokasyon at mundo, tulad ng post-apocalypse, sci-fi space exploration, at iba pa. Hindi ito bagong pangyayari: noong 1980 pa lang, may ilang roguelike na ang lumihis sa high fantasy na tema. Isa sa mga ito ay itinakda sa modernong lungsod, kung saan ang layunin ay makahanap ng bote ng vodka.
Walang tunay na depinisyon ang genre, pero maaari mong asahan na ang pagtuklas sa procedurally generated na mundo para matuklasan ang mga lihim nito, pag-unlock ng mga random na loot, at makaranas ng biglaang kamatayan na mag-uulit sa kasalukuyang playthrough. Ang interaksyon ng karakter sa mundo ay dapat tuloy-tuloy pero komplikado, na nagpapahintulot ng mga natatanging tagumpay o kamatayan. Ah, oo, namamatay ang mga player. Maraming beses.
Marami sa mga modernong roguelike ay nananatiling 2D, pero may malaking pagbabago sa mga graphic. Ang ASCII graphics ay aktwal na mga text sprite na ginagamit para magrepresenta sa isang nilalang, pader, o anumang bagay sa mundo ng laro. Ang player ay maaaring irepresenta bilang ‘@’ imbes na isang animated na karakter. Bawat hakbang na kanilang gagawin ay magpapasulong din ng isang hakbang sa buong mundo ng laro. Ang progreso ng buong mundo ay nakakonekta sa bawat hakbang ng player.
Dahil hindi na kailangang magtipid pagdating sa graphics o physics, maraming roguelike ngayon ang mga naging platform game o top-down dungeon crawler na gumagalaw at tumutugon sa aktwal na oras. Ang aspeto ng pagsisiyasat ay naging mas mabilis at buhay na buhay.
Ang procedural generation ay nagbibigay-daan para sa kumplikadong paglikha ng mundo at loot generation nang hindi kinakailangang gawin ang bawat elemento nang mano-mano. Dahil dito, ang mga roguelike ay karaniwang nililikha ng mga independent developer. Mga maliliit na grupo, o kahit nag-iisang developer lang, ay maaaring gumamit ng procedural generation para lumikha ng walang katapusang iba’t ibang antas na may nakakagulat na disenyo. Ang pagtakas sa isang antas ay madalas na may kasamang hindi inaasahang twist na dulot ng procedural generation. May mga pagkakataong pakiramdam ng player ay hindi patas ang pagkamatay nila, tulad ng paghagis ng bato na nakatama sa kalaban, na nahulog sa bitag at sa kung anong paraan ay napatay din sila, pero kapag naiintindihan mo nang mabuti ang mga patakaran ng laro, mauunawaan mo ito. Isa ito sa dahilan kung bakit nakakasabik ang mga roguelike: nagbibigay ng pakiramdam sa player na isa siyang tunay na adventurer sa unti-unting pagtuklas kung paano gumagana ang mundo, kung paano nagsasama-sama ang mga antas, system, at loot. Ang mga modernong roguelike ay maaari ding magbahagi ng world generation bilang daily run, kung saan ang bawat player ay bibigyan ng parehong antas at makikipaglaban bilang may pinakamalayong narating, pinakamabilis na nanalo, o may pinakamataas na puntos.
Sa mga deck-building game, nangongolekta o nagbubukas ang mga player ng sunod-sunod na baraha na nagbibigay ng kapayangyarihan sa kanilang team, at nakabatay ito sa turn-based na galaw na pinapagana ng player mismo. Isa iyon, kasama ang mga random encounter, baraha, at layout ng antas, kaya maituturing silang roguelike.
Ang mga pagbabago sa orihinal na formula ay nagbibigay-daan sa pag-usad ng laro sa kabila ng pagkamatay ng karakter, tulad ng pagkakaroon ng bagong karakter na may kaugnayan sa namatay, o pag-iingat ng ilang gamit mula sa nakaraang pagtatangka.
Maaaring ilapat sa iba’t ibang genre ng laro ang mga elementong roguelike. Maaaring ang mga player ay nasa spaceship na nagtatangkang tumakas mula sa agresibong humahabol, habang humaharap sa mga random na pag-atake ng mga pirata at unti-unting pagkasira ng barko. Puwede rin silang maging maliit na grupo ng mga bilanggo na may emosyonal na problemang naglalakbay sa nakakatakot na lugar, at kailangang harapin ang mga pag-atake at ang unti-unting pagbagsak ng morale ng grupo. Puwede pa nga silang maging intern na nakikipaglaban sa mga procedurally generated na labi ng mga nabigong tech start-up,
talaga namang maaaring maging anuman ang Roguelike.







































